maligalig na gunita
sa isipa'y aandap-andap
talusaling tudla
'di mapigilang mag-amok
mga mata'y nakapikit
subalit gising ang diwa
nagkukumahog na alaala
nagpatintero sa isipan
haplit ng kahapon
gumuhit sa tangwas ng malay
matikap na bahaghari
nagpatingkad sa dapithapon
share ko sayo to, gawa ko to.
TumugonBurahinSa ihip ng hangin
sa umagang darating
gunita't alaala'y
naglalaho rin
Bagkus kung ang dilim
ng ulap ay tanaw
alaala'y nakikita at
nararamdaman, sa simpleng paraan
kung tatanawin
ang ligaya kung nag-iisa
ano ang silbi ng ngiting
walang ibig sabihin.
eh..eh... wala eh. talagang parang kusa mo lang hinihinga ang diwa't salita kapag tumutula ka.
TumugonBurahinmarami rin akong mahahabang gabi na nililiyo ko pagsusulat ng mga gunita. ayos na rin dahil mas mura ang lapis kaysa sa bote ng serbesa.haha!
been here following you. hope you follow me too..
TumugonBurahincongrats pala for winning iya-khins promo.
mr837.blogspot.com
@harvey, Salamat.
TumugonBurahinIsang napakagandang tula nyan bossing.
Sir Duks, salamat sa pagkagawi mo dito at pag-iwan ng bakas.
TumugonBurahinMas mura anga ang lapis kesa sa serbesa pero mas mainam kung magkasabay ang dalawang nabanggit. Habang inuubos mo ang isang bote ng serbesa sa kakalagok maghabi rin ng mga nagsasalpukang mga salita sa isipan.
Magandang araw dir Duks.
@Albert, Brad salamat.
TumugonBurahin