nagbubukas
nagsasara
mayroong lumabas
mayroon ding pumasok
may tumulak
at may humila
may mga pilit ngumiti
at mayroong sumimangot
narito ako
sa labas ng pintuan
ng labor room
sinasakop ng
nagmamadaling pagtibok
ng aking puso
ang buo kong damdamin
kasabay ng pagkompas
ng langitngit
ng bentilador
ako'y naghihintay
sa pagsilay
ng bagong pag-asa
wow, feel na feel ang excitement...
TumugonBurahinoo sir, yung hindi ka mapakali.
TumugonBurahinkuyaaaaaaaaaaaaaaaaaa congrats sa inyo ni ate Carol :)
TumugonBurahinpiktyuran na si baby :)
salamat madz. di ko napicturan lowbat yung camera ko hahaha saka naubusan ng film
TumugonBurahinwaw! lumabas na?!?!? kumusta!!!
TumugonBurahinCongratulations!!! Cheers!!!!!! :D
Oo sir tarbs. Noong linggo. Mabuti naman silang parehas.
TumugonBurahinMaraming salamat.
congrats, sir joey!
TumugonBurahinnadagdagan na naman ang inspiration mo, sir!
Salamat sir Duks.
TumugonBurahinSA iyong naramdamang kaba
TumugonBurahinalam kong magiging mabuti kang ama.
:)