Martes, Oktubre 25, 2011

SA LABAS NG PINTUAN NG LABOR ROOM

nagbubukas
nagsasara
mayroong lumabas
mayroon ding pumasok
may tumulak
at may humila
may mga pilit ngumiti
at mayroong sumimangot
narito ako
sa labas ng pintuan
ng labor room
sinasakop ng
nagmamadaling pagtibok
ng aking puso
ang buo kong damdamin
kasabay ng pagkompas
ng langitngit
ng bentilador
ako'y naghihintay
sa pagsilay
ng bagong pag-asa

9 (na) komento:

  1. wow, feel na feel ang excitement...

    TumugonBurahin
  2. kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaa congrats sa inyo ni ate Carol :)


    piktyuran na si baby :)

    TumugonBurahin
  3. salamat madz. di ko napicturan lowbat yung camera ko hahaha saka naubusan ng film

    TumugonBurahin
  4. waw! lumabas na?!?!? kumusta!!!
    Congratulations!!! Cheers!!!!!! :D

    TumugonBurahin
  5. Oo sir tarbs. Noong linggo. Mabuti naman silang parehas.

    Maraming salamat.

    TumugonBurahin
  6. congrats, sir joey!

    nadagdagan na naman ang inspiration mo, sir!

    TumugonBurahin
  7. SA iyong naramdamang kaba

    alam kong magiging mabuti kang ama.


    :)

    TumugonBurahin