Miyerkules, Oktubre 5, 2011

ANG ALAALA NI BATMAN

Kasabay ng malamig na hangin galing Hilaga. Siya ay aking nakita sa loob ng kulay puti’t pulang medyas na nakasabit sa may bintana. Sabi ni Tatay regalo raw ito sa akin ni Santa. Sa aking mga kaibigan ay agad kong ipinagyabang ang bago kong laruan. Pinataob n’ya ang kanyang mga kalaban gamit ang kanyang tikas at tapang. Na s’yang nagdulot ng inggit sa aking mga kalaro.

Nang tuluyang maitaboy ng tag-init ang taglamig, ako ay tumatangis dahil siya ay nasira. Pira-piraso na s’yang inilagay ni Tatay sa loob ng kulay puti’t pulang medyas. Ang taglay n’yang tikas at tapang ay naglaho kasama ang hungkag na bahaghari. Narito ako at nangungulila subalit patuloy na umaasang s’ya ay muling mahawakan at malaro.

Kasabay ang panaka-nakang pag-ulan galing Katimugan. Siya ay bumalik galing sa kulay puti’t pulang medyas na bitbit ni Tatay. Buo na s’yang muli. Subalit ang kanyang kisig at tapang ay ‘di na katulad ng dati.

Nagpagawa ako kay Tatay ng kahong salamin upang magsilbing kanyang tahanan habangbuhay. Sa loob ng apat na sulok ng kwadradong salamin ay inilagay ko si Batman kasama ang makinang na alaala ng aking kamusmusan.


Ang akdang ito ay aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 3

11 komento:

  1. Anong kategorya po ito kalahok ser JV?

    TumugonBurahin
  2. aw!

    try lang sana makapasok tong comment ko na hindi na ako hihingian ng kung ano anong requirments hahaha

    TumugonBurahin
  3. hahaha sphere akalain mong sa unang pagkakataon ay may naiwan kang bakas dito. hahahaha kampai

    TumugonBurahin
  4. Inam lang ni Batman.. patay ang mga kalaban... Goodluck sir.. ang bilis mo, kahapon palang natin pinagusapan..

    TumugonBurahin
  5. hahaha ang hirap-hirap sir makikigulo lang ang lalakas ng kalaban eh hahaha. Di ko alam kung pasok yan sa 200 words na pamantayan ko sa sarili ko hahaha

    TumugonBurahin
  6. anu na lang ang mangyayari sa gotham city ngayong wala na si batman?

    paaaasok, robin!!!

    sir joey, collectors item na yan! oras na para sa auction!xD

    TumugonBurahin
  7. ayun oh ginawang display na si batman! good luck sayo at sa ating lahat!

    TumugonBurahin
  8. sir joey.. goodluck dito.. :) ang dami na natin hehehe..

    magandang araw :)

    TumugonBurahin
  9. hala, maka sali kaya. Barbie doll naman sakin. ahaha

    TumugonBurahin