Huwebes, Oktubre 20, 2011

NANG MINSAN MAY KARIMLAN SA AKING UMAGA

abandonadong gusali
sa gitna ng masukal na gubat
pinaglipasan ng panahon
sira't kinakalawang na mga bintana
naging lagusan ng alaala't gunita
sa isang madilim na sulok
doo'y naging kasiping
ang huni ng katahimikan
doo'y yakap ng damdamin
ang init ng naså
doo'y asam ng diwa
ang haplit ng ligaya
kinang ng pawis
at kislap ng hinagap
naging tanglaw
sa kumukupas na ulirat
habang nag-aabang
sa pagdungaw ng bukang-liwayway

4 (na) komento:

  1. parang ramdam ko rin, yung gaya ng mga madaling araw na mas pinipili mong mapag-isa para sipatin ang sarili sa karimlan.

    isa ka talagang makata,sir joey!

    TumugonBurahin