Martes, Mayo 24, 2011

SINANIBAN AKO NG BABAENG SANTANAS

Essa at Joey sa tahanan ni Jkul

At nilasing ko ang buwan sa himpapawid;
Ang isipan ko ay kumikitid.
Pagnanais sayo'y walang batid
Dahil sa kaligayahang iyong hatid.

Banaag ang agos ng ulan:
Ala-ala nung minsan tayo ay naghahabulan.
Sa lamig ng hangin at liwanag ng buwan,
Minahal kita ng lubus-lubusan.

Busilak ng iyong puso ay aking nasilayan,
Ni hindi ko naisip ang napipintong kabiguan.
Hinatid mo ako sa kakaibang kamalayan
Ng pag-ibig, rebolusyon at kalayaan,

Na tanging ikaw
at ako lamang
ang maaring maliligayahan


Nang makakamtan ay napinid ang damdamin,
Iniwan mo akong wala nang sasapitin.
Di alintana kung tingin mo saki'y sakim
Kaya ngayon ako'y puro hinagpis na lamang sa hangin

4 (na) komento:

  1. gustung-gusto ko ung huling saknong. para bang nabasa nyo kung ano ang currently na nararamdaman ko at gusto kong sabihin.. :-|

    TumugonBurahin
  2. Mahusay.

    Mas epektibo ang mga damdamin kapag malayang pinakakawalan.

    TumugonBurahin