Lunes, Mayo 9, 2011

IKAW ANG BIDA AT AKO ANG KONTRABIDA

Katulad ng barya, ang bawat kwento ay may dalawang panig. May kwentong totoo at mayroon namang ginawa lang na makatutohanan.

Taragis ka! Di mo man lang ako pinagbigyan. Pati yung panig na para sana sa akin ay inangkin mo ang kalahati. Ganun ka na ba kadesperada para makuha ang simpatiya ng halos lahat ng mga kaibigan at kakilala natin? Sige ikaw na ang naagrabyado! Ikaw na ang kinawawa! Sa'yo na lahat ng mga naging kaibigan natin! Binibigay ko na sa'yo lahat yun. Masyado kang makasarili. Oo nga't nagrabyado kita. Iresponsable na kung iresponsable ako. Pero sana man lang naisip mong "TAYO" ang nakaagrabyado. Hindi ikaw ang nawalan. Ikaw ang nagkaroon. Huwag kang magmalaki. Matuto kang ilugar ang sarili mo!

Kapag ikaw nagkwento ikaw lagi ang bida. Ikaw ang kinawawa. Ikaw ang ginago. Ikaw ang pinabayaan. At ang kontrabida? Syempre walang iba kundi AKO. Sa'yo na yang mga kaibigan, di ko sila kailangan. Nakarating ako sa buhay ko na ito na walang inaasahan kaibigan. Nabuhay ako sa sarili kong mundo. Tingnan natin kung hanggang saan sila sa panig mo. At tingnan natin kung hanggang kailan sila maniniwala sa mga kwento mo. Mga kwento mong ginawa mong makatutohanan.

2 komento:

  1. Ang sarap ng buhay, parang teleserye.

    Parang sinigang, may asim at konting alat.

    Hindi buo ang diwa na aking nasasagap sa kuwento mo pero palagay ko nagkaroon kayo ng koneksiyon na maaring nagkaroon ng lamat na nagdulot ng hindi pagkakaunawaan.

    Pasasaan ba't nalilimot din yan, kung hindi naman, mas mainam siguro ang umiwas na lamang muna.

    TumugonBurahin
  2. ramdam na ramdam ang inis.. (inis lang at hindi galit) dito sa pabasa mo na ito parekoy..

    Hayaan mo lang, sya ang may hawak ng kanyang isipan at lalabas ang kung ano man ang kanyang nais.

    Basta sa iyong sarili, alam mo ang katotohahan, higit na masarap ang mabuhay ng malinis ang konsensya, ating tandaan yan.

    Tama si sir jakul.. pasasaan ba't magiging ayos din ang lahat.

    TumugonBurahin