Huwebes, Mayo 5, 2011

SANDOK AT ISDA

Carol Javier

Ang buhay natin ay tunay na mahiwaga
Di sigurado di tayo ang namamahala
Ang sabi mo nga ika'y sandok at ako'y isda
Na kahit anung mangyari malabong magkita

Ang biro ko sa'yo ito'y magkikita din
Lalo na kung sa pagluluto gagamitin
Akalin mong nangyari at nagkatotoo
Ito nga nagkita at nagkasama tayo

Sa simula ay malabo at magulo
Pagkat ang pagkakaiba ay di maitago
Sa kabila ng mga tampuhan at pagtatlo
Madalas naman ang unawaan at pagkakasundo

Buti na lang dumating kahit di hiniling
Ang isang regalo at biyaya sa atin
Di man aminin, alam kong nagpatibay sa atin
Biyaya na sa samahan ay nagpapalalim

Mabuti na lang may pagtitiwalang nabuo
Na naging sandalan natin sa pagkakalayo
Kaya di dapat matakot at mag-alala
Pagkat hinihintay pa din ang oras na magkasama.

Ang tagal na ng tula na ito. Ginawa nya ito habang hinihintay ang aking pagbabalik. Ito yung panahon na buo pa ang lahat ng mga pangarap at tiwala.

5 komento:

  1. Poet pala ang iyong irog Pareng Joey.

    Ang galing, sandok at isda, tapos may sahog na, ang inyong supling.

    Galing.

    TumugonBurahin
  2. "Ang buhay natin ay tunay na mahiwaga
    Di sigurado di tayo ang namamahala"


    totoo nga... walang nakakaalam what happens next.. hindi natin sigurado kung kaparehas pa rin tayo bukas ng kung ano tayo ngayon. we'll just have to look forward to it anu man ang ibato ng buhay sa atin..

    --------

    sabi nila, sa pag-ibig daw, walang categories,walang level, walang status. basta pag tunay na pag-ibig, and if its really meant to be, magtatagpo at magtatagpo ang landas nyo, kesehodang nasa magkabilang panig kayo ng mundo.. kesehodang nasa langit ka at nasa lupa ang isa..

    TumugonBurahin
  3. Marami-rami na rin syang naggagawang tula. May para sakin pero binabawi na nya. Di raw ako karapat dapat alayan ng tula. Sayang lang daw yung mga naiisip nya hahaha.

    TumugonBurahin
  4. Mam Yanah. Magpapasalamat ako sayo at napasyal ka sa tahanan kong ito. May mga nagbabasa ng iba sa mga nilagay ko sa sangtwaryong labasan ng hinaing , sama ng loob at syempre pag-ibig. Si Jkul at si Istambay lang ang madalas kasi dito hahaha. Sana bumalik ka ulit.

    Kapag pag-ibig ang pinauusapan ang magaling dyan ay walang iba kundi yang si Jkul.

    May kakaibang kapangyarihan ang pag-ibig na di kayang ipaliwanag ng tao. Totoong may langit at lupa pero kapag tumingin ka sa malayo mayroon kang makikitang parte kung saan nagtatagpo ang dalawang ito.

    TumugonBurahin
  5. Nakita ko ang pagmumukha ni Yanah, nairita tuloy ako.

    Anyway highway, long distance pala ito Joey. Ang ganda ng tula, minsan lang ako magbasa ng tula yung tipong kapag pinipilit lang ako. :)

    TumugonBurahin