Huwebes, Mayo 5, 2011

HALIK NG ESTRANGHERA

Magandang pangtanggal ng badtrip
sa gitna ng trapik ay ang gumawa ng tula.

Pagsakay ko ng dyip aura mo ang napansin ko
Hindi ka kagandahan pero ang lakas ng dating mo
Umupo ako sa tapat mo upang magpapansin sa'yo
Hindi ako nabigo dahil napansin mo ako

Nagkatitigan tayo at napansin ang mga labi mo
Lagi mo itong binabasa kapag ako'y titingin sa'yo
Naintriga ako at gusto kitang kausapin
Pero inisip ko baka tayo lamang ay mabitin

Kaunti nalang ang pasahero sa dyip
Kaya banaag ko na ikaw ay naiinip
Kunwari lamang ay naiinitan sa pwesto ko
Lumipat ako sa tabi ng kinauupuan mo

Ngayon katabi na kita nais kong makausap ka
Tangi kong nasabi ang ganda ng mga labi mo
Tinanong kita kung maari ba akong humiling
Inasahan kong sagot mo ay tanging iling

Biniro mo ako na hindi ka isang fairy
Kung ano man ang kahilingan ay isantabi
Tinanong kita kung pwede isang pabor
Ingatan ang iyong labi na di mawalan ng amor

Maari ko bang maramdaman ang lambot ng labi mo?
Imbes na galit ay ngiti ang sagot mo sa tanong ko
Sapat na iyon upang maglakas loob na halikan kita
Kasama mo pala ang mama mo kaya sampal aking napala

6 (na) komento:

  1. muntanga lang. hahahaha
    amf naman sa lakas ng loob na manghalik sa kung san-san mygawddd hahahaha
    nagawa mo na ba yan kuya? lol

    may kwento ko.. walang koneksyon sa post mo, gusto ko lang iwento. may inaabangan ako lagi.. sa elevator sa work, may lagi akong nakakasabay, kailangan tamang-tama lang ang oras ng alis ko sa bahay para maabutan ko sya.. halos dalawang buwan ko ng nakakasabay. una syang bumababa sa 13thflr, ako naman sa 14th flr, araw-araw hinihintay kong lingunin nya ko at ngitian. minsang nginitian nya ko pinagpawisan ako. oo, na.. ako na ang malandi hiihihi.. pag mag CR ako umuubos ako ng 18minuto dahil dun pako sa floor nila nagc-cr..
    alam ko darating din ung araw na magsasabaya ulit kami pero hindi lang sa elevator, sa jeep naman nyahahahahahaha
    wala lang..
    makatulog na nga.

    TumugonBurahin
  2. hahaha syempre hindi ko pa nagagawa to Yanah. At wala akong balak gawin ito. Ayoko makulong. Madami pa ako pinag-aaral na mga Nursing at HRM students wahahaha sino nalang ang gagastos sa kanilang pag-aaral kapag nakulong ako?

    Ang swerte nya ha. Kaso maharot. Ay di pala, pakipot lang hahaha baka the feeling is mutual Yanah. Umaalis din sya ng mga ganong oras para abangan ka din. At baka dun rin sya nag-ccr sa 14th floor nagkakasalisihan lang kayo hahaha. Baka naiblog nya na rin ang tungkol dito hahaha

    TumugonBurahin
  3. Malambot ba?

    Ewan ko, pero minsan natatawa ako kapag may mga ganyang nahuli mo nang tingin ay tutungo pero kinakagat ang labi.

    Sedaksiyon.

    Boss matsalah

    TumugonBurahin
  4. Oo sir malambot. Hahaha

    Saka yung laging naghahawi ng buhok sir. Pero mas seductive nga yung binabasa ang labi.

    TumugonBurahin
  5. hahaha nayari ka kuya...ikaw kasiiii eh :))

    nakakailang kaya pag may tumititig sa jeep

    TumugonBurahin
  6. padaan ha.

    naghahanap ako ng mga babasahin sa inetrnet. talon talon at tawid tawid.

    natuwa ako sa tulang ito. malikhain at puno ng lakas ng loob at da moves. yun nga lang. haha!

    TumugonBurahin