Miyerkules, Mayo 25, 2011

PAG LASING KA LANG MALAMBING

Sabi mo, ayaw mo inaaway kita
dahil s'ya naaalala mo.
Sabi mo ayaw mo na sinisermunan kita
dahil hindi ka na bata

Sabi mo, minsan pumapasok sa isip mo
kunwari totoong nanliligaw ako sa'yo
Sabi mo, kunwari magiging tayo
kunwari may kinabukasan tayo

Sabi mo, sarado pa ang puso mo
kaya ayaw mo pa pumasok ulit sa isang relasyon
Sabi mo, nahahabag ka tuwing magkusap tayo
dahil s'ya pa rin ang nasa isip mo

Sabi mo, patawarin kita
Dahil ginagamit mo lang ako
Sabi mo, nais mo lang limutin s'ya

Sabi ko, nais ko lang tulungan ka

Sabi mo, natatakot ka sa'kin
Dahil baka pilitin kitang maging tayo

Sabi ko, hindi ko gagawin 'yon
Dahil di ka liligaya sa'kin
Sabi ko, wala kang kinabukasan sa'kin
Dahil tiyak luluha ka lang


Tanong mo, paano kapag ako'y nagsawa?
Paano kapag ayaw na kitang intindihin?

Sinagot kita, aalalayan lang kita
Hanggang sa makabangon ka


Sabi mo, gago ako
Dahil hinayaan kong gamitiin mo ako

Sabi mo, ayus na sa'yo na ganito tayo
Ang mahalaga masaya tayo

Tinanong kita kung masaya ka ba talaga

Sabi mo, kung masaya ako ay ganun ka rin

Sabi mo, shit ako
Dahil gumaganti ako

Sabi ko, matulog na tayo
Dahil napapraning na ako


Sabi mo, napapraning ka na rin katulad ko

Tinanong kita kung kanino

Sabi mo, gago ako
Dahil tayo lang ang nag-uusap

Sabi ko, bawal kang mapraning

Sabi mo, madaya ako
Tinanong mo ako, kung bakit hindi
ka pwede mapraning

Umiyak ka!

Kaya sabi ko, sige mapraning ka!

Natuwa ka!

Tinanong kita, bakit noon nagalit ka?
Nung napraning ako sa'yo

Sabi mo, gago ako

Sabi mo, wag ako mag-alala
Dahil pagkagising mo
wala na yang pagkapraning mo
Kinabukasan,

Sabi ko, patawarin mo ako sa inasal ko
Sabi ko, masaya ako sa usapan natin kagabi

Sabi mo, hindi mo maalala
Dahil kagabi ay lasing ka


Sabi ko, madaya ka!
Kaya pala ang lakas ng trip mo

Sabi mo, kalimutan ko na 'yon


Bakit ganun? Pwede namang hindi ka lasing.
Pwede namang hindi mo ako pinagtripan.
Bakit hindi natin kontrolado ang panaginip?
Pwede namang hindi na umabot sa paglalasing mo
Pwede namang nagising ako sa masayang bahagi.

15 komento:

  1. may pinaghugutan ah :) nice one

    TumugonBurahin
  2. Pamilyar sa akin ang mga karakter pero baka mali ako.

    TumugonBurahin
  3. Essa - Ganito kapag magkabarkada. Tapos mahuhulog ang lalaki. Tapos, tapos, tapos ayun tapos na ang pagkakaibigan n'yo.

    Jkul - Baka sila nga ang mga karakter na nsa kwento. Sabihin mo naman kung sino. Atin-atin lang. Wala naman makakabasa nyan dito eh. Tay0-tayo lang naman pumapasyal dito hahaha

    TumugonBurahin
  4. Ang haba pala nito. Kainis pala basahin. Pero di bale ayus na yan. Nabasa ko naman na. Bahala kayong sumakit ang mata.

    TumugonBurahin
  5. hindi ko alam kung bakit nalungkot ako... kung bakit apektado ko dito pagkabasa ko :(

    TumugonBurahin
  6. kakarelate. un lang. mahaba pero maganda

    TumugonBurahin
  7. e di lasingin na lang palagi. surface lang ang lambing pero lambing pa rin. ;)

    TumugonBurahin
  8. Yanah sisihin mo si Jkul kung bakit ka apektado nito siya may kasalanan hahaha at syempre biro lang lang yun

    TumugonBurahin
  9. Sir bino isang karangalan ang makita ang iyong pangalan na nakatatak dito sa tahanan ko. Salamat po

    Ay teka sir, pakikwento naman kung bakit ka nakarelate. Ang ibig kong sabihin yung karanasan mo sa mga ganito hahaha.

    Sir salamat ulit.

    TumugonBurahin
  10. Xerex in the making este sir Ka Bute malaigayang pagdating dito.

    Gusto ko nga lasingin lagi eh kaso di ko na napapanaginipan ulit. Tumatakbo na kapag nakikita ko sa panaginip natatakot na yata hahaha

    TumugonBurahin
  11. Mahuhulog? Hehehehe.. Kwentong ka baklaan ba to? hehehehe

    TumugonBurahin
  12. Walang ganun dito sa blog ko Tim. Sorry. Pero sa susunod magsusulat ng tipong Xerex ang bagsakan. Brokbakan ang pamagat :D

    TumugonBurahin
  13. hmmm, mahaba-haba ung kwento na un hehehehe. salamat sa komento sa your song ko. appreciated :)

    Bino

    TumugonBurahin
  14. talagang may Xerex na kadikit sa pangalan. di kami magkaanu-ano. ;)

    TumugonBurahin