Lunes, Mayo 30, 2011

SA PILING MO

Hatinggabi
Magkatabi
Sa higaan
Naglampungan
Magkayakap
Nangangarap
Ngunit
Hagupit
Ng kahapon
'di umayon
Luha
Sa mata
Dumaloy
Puso
Nanaghoy
Natauhan
Nagsumpaan
Tayong dal'wa
Magkasama
Habang buhay
Kaagapay
Sa mundo
Katiyakan
Di malaman
Subalit
Ang ikaw
Ako
At tayo
Ay magpakailanman

2 komento:

  1. nalungkot ako.
    nalungkot ako kasi gusto ko din ng ganyan.
    nakita ko dito kung anong wala ako, kung anong kulang sa buhay ko :(

    TumugonBurahin
  2. May konting takot pero ang mahalaga yong kagustuhan mong mapayabong ang "ako at ikaw".

    Sapat na 'yan.

    TumugonBurahin