Martes, Pebrero 1, 2011

PASISIKATIN N'YA AKO

Noong nakaraang gabi naisipan kong silipin sandali ang aking Facebook upang makibalita sa mga kaibigan kung ano ang bago. May nakita akong mensahe mula sa isang kakilalang medyo may katagalan nang hindi nakikita.

Si Kuya Ricky, dati kong kasama sa bahay noong minsang ako'y sa Gitnang Silangan pa naghahanap-buhay. Bago pumuntang Gitnang Silangan ni kuya Ricky ay dati syang namamasukan bilang Talent Coordinator, may kridibilidad s'yang tao pagdating sa trabaho at pagiging isang kaibigan pero syempre di mawala ang pagiging bolero pagdating sa mga babae. Naikwento n'ya lahat tungkol sa trabaho n'ya noong araw at kung papaano nila nagawa ang ilan sa mga sikat pelikula lalo ang Machete ni Gardo at Osang. Bilang isang dating nagtatrabaho sa pelikula at telebisyon ay napakahusay nitong kumilatis ng mga taong pwedeng maging karakter sa isang pelikula.

Pero Setyembre noong nakaraang taon ay napagpasyahan namin parehas na umuwi na lang ng Pilipinas at dito nalang makikipagsapalaran pero simula noon di na kami ulit nagkita kahit kaunting kamustahan man lang sa facebook ay wala na. Kaya laking gulat ko nalang na may mensahe akong natanggap galing sa kanya. Ito ang mensahe nya:

Pwede ka bang Rapist? Kailangan ko sana eh. Magmessage ka lang ha. Seryoso.


Nanlamig ako bigla. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Lahat ng nakikita ko ay puro liwanag. At tanging hiyawan ng maraming tao ang aking naririnig ng may bigla tumapik sa aking batok at sumigaw HOY ANO'NG NANGYAYARI SA'YO?! Nahimasmasan ako, napakaaga masyado ng aking pagdiriwang. Lahat ng nasa utak ko ay ang pagiging uhaw lamang sa kasikatan at di ko man lang muna pinagnilaynilayan ang nabasa kong mensahe.
Ito naman ang tugon ko kay kuya Ricky:
PARA BA ITO SA PALABAS SA TV O SA TOTOONG BUHAY?

Nakakatawa ang mundo! Nung ako'y nag-aaral pa lamang sa kolehiyo madalas akong kalbo kaya madalas akong napagkakamalang holdaper tapos ngayong nakadreadlocks na ako manggagahasa naman. May antas pala ang kalidad ng pagkakaroon ko ng istilo ng buhok. ANG KATI SA ANIT.

8 komento:

  1. naks.. aba sisikat ka nga nga parekoy.. grab grab grab.. malay mo ang reypin mo e si Eugene domingo este si Rhian Ramos pala..

    go lang parekoy... artista na..

    TumugonBurahin
  2. hahahaha parang gusto ko rin maging rapist ah..wag m n pakawalan. hehe

    TumugonBurahin
  3. Ahahahaha, pumayag ka na.

    At totoong gahasaan ang magaganap pero ang partner mo ay si Tomas o kaya si Diego.

    Nagpalit anyo ako isang taon na ang nakakalipas, mula sa 'di matimtimang birhen (ito ba dapat, ang gamitin ko?), naging isang masukal na Kulisap ang aking hilatsa ngayon, mas gusto ko, mas akma sa pagiging hangal ko.

    TumugonBurahin
  4. wow, stuntman! ang kyut ng kwentong to. hehe :)

    TumugonBurahin
  5. baka kelangan din nila nang rape victim>?


    jejejejeje

    TumugonBurahin
  6. langyang role, rapist!
    kung ako yan baka magdalawang isip din ako. buwahahahah

    TumugonBurahin
  7. sino ang rape victim si Pokwang? hehehe

    grab mo na yan..

    TumugonBurahin
  8. baka si whitney tyson ang biktima lol..

    TumugonBurahin