Martes, Pebrero 8, 2011

ANGELO REYES

Kinikilabutan ako ng marinig ko ang balita tungkol sa pagkamatay ng dating Hepe ng sandatahang lakas ng ating bansa na si Angelo Reyes. Maaring hindi na n'ya kinaya ang mga anumalyang pinupukol sa kanya sa kasalukuyan. Narinig ko lang din sa balita kahapon na hindi na ito sumisipot sa mga pagdidinig sa senado tungkol sa kaso.

Marami ngayong katanungan na di lang ako ang naghahanap ng kasagutan kundi pati ang iba pa nating mga kababayan. Bakit s'ya pinanghinaan ng loob sa pagkakataong ito? Ano kaya ang gusto n'yang ipahiwatig? Inaakusahan pa lamang ang heneral kahit masasabi nating maraming tao ang kayang magpapatunay tungkol sa anumalya pero patuloy pa lamang itong sinisiyasat.

Pananaw ko lamang ito at alam kong kayo rin ay may sariling pananaw tungkol dito. Gusto ko lang malaman ang katotohan tungkol dito dahil di ito patas sa iba pang mga sundalo na nagbubuwis ng buhay sa Mindanao habang ang mga matataas na opisyal nila ay nagpapakasasa kuno sa kayamanan na may natanggap raw na pasalubong at pabaon habang sila kahit sapatos di kayang punduhan pero patuloy na nakikipaglaban at nanatiling tapat sa serbisyo.

Anong nga ba ang dahilan sa likod ng pagkamatay ni Angelo Reyes? Guilty nga ba s'ya sa mga pinaratang sa kanya? Ngayon sa pagkawala n'ya ano ang patutunguhan ng pagsisiyasat? Sino ang paparusahan kung guilty ang hatol sa dating Heneral ngayon patay na s'ya? At kanino naman kaya isisi ng pamilya na naiwan ni Reyes ang nangyari sa dating Heneral?

4 (na) komento:

  1. ang isyung ito maselan, kinakailangan alam natin ang lahat ng impormasyon bago tayo magbigay ng ating pananaw.. pero kung sabagay parekoy.. pananaw at meron tayong kani kanya nyan..

    sa totoo lang, ang unang pumasok sa isip ko eh guilty sya, hindi na nakayanan ng konsensya at natakot ng humarap sa katotohanan.. kaya pagpapatiwakal ang nging pamamaraan..

    sa ngayon puro pa katanungan pero hind maiiaalis ang pagkakadawit nya sa kurakutan

    isa lang din ang aking nakikita sa pangyayaring ito. unti unti ng maalis sa atin ang kurakot na pulitiko..

    gandang araw parekoy

    TumugonBurahin
  2. Napakasensitibo nga nitong usapin na ito kaya di ko rin naibihos lahat ng gusto kong sabihin marahil iniisip ko pa rin ang kapakanan ng mga apektado dito lalo ang kanyang pamilya.

    Sigurado ako may alam si Reyes sa anumalya pero hindi ko mabatid kung "guilt ba yun o kahihiyan" kaya nya kinitil ang kanyang buhay (maari ko na siguro itong sabihin dahil marami ang nagkompirma na binaril nga ng dating heneral ang kanyang sarili).

    Sa ngayon di lang ang mga naulilang pamilya ni Reyes ang nagluksa sigurado ako pati mga nasa sandatahang lakas ng ating bansa dahil si Reyes ay maituturing na isa sa mga susi sa gusot na kinakasangkutan ng matataas na opisyal ng AFP.

    TumugonBurahin
  3. nabalitaan ko din yan, at sa una palang, sa mga lumabas na testigo, na nag dadawit sa kanya sa corruption sa AFP, mukhang guilty na sya..

    tama si Istambay di nya na nakayanan ng konsensya at natakot humarap sa katotohanan..

    TumugonBurahin
  4. Sana nag-iwan man lang s'ya ng katiting na sulat tungkol sa katotohanan upang matuldukan na ang haka-haka sa katiwaliang ito sa AFP. Nakakamatay talaga ang konsensya.

    TumugonBurahin