Dahil sa naunang lathala bago itong kasalukuyan ninyong binabasa pinuputakte at pinaulanan ng galit at sama ng loob ang inyong lingkod. Pero ang galit at sama ng loob na ito ay hindi galing sa mga dilag na pinaparinggan ko sa nasabing lathala kundi ito'y galing sa mga babaeng nagpapantasya sa akin at nag-aasam na maangkin at matikman ang malainukit kong pangangatawan. Bakit di nalang daw sila ang pagpapantasyahan ko at wag nang sayangin ang panahon sa kakapantasya sa mga babaeng hindi interesado sa akin. Ngunit nang sagutin ko sila ng pabalang na "Kapag nangyari yang kagustuhan ninyo hindi na mabubuo ang tinatawag nilang food chain" ay lalo silang nagngitngit sa galit at pinagbantaan ako. Ito ang banta nila sa akin: JOEY DARATING RIN ANG ARAW NA TANGING MUKHA MO NALANG ANG MAGAGALIT SA'YO AT SA ARAW RIN NA IYON TIYAK BALAHIBO MO NA LANG ANG TATAYO SA'YO.
Nakakasindak ang mga katagang 'yan, ano nalang ang gagawin ko kapag dumating ang araw na mangyari ang sinasabi nila.
TIYAK BALAHIBO MO NA LANG ANG TATAYO SA'YO.
TumugonBurahin-clap clap.. pede ko ba itong mahiram ser?
sa panahon ngayon.. kelangan pa bang maging choosy? tanong lang..
Ampucha. Ang aga ah.
TumugonBurahinHuma na, huma.
Kung ako sayo, pagbigyan mo.
Bawal ang madamot.
-Neneng Kilabot, sige lang gamitin mo lang yan.
TumugonBurahinKung yun ang nakatakda ay di na kailangan ang pagiging mapili pero isaalang-alang natin ang tinatawag nating "food chain" kasi pag lumihis tayo doon mawala ang pagkabalanse ng ilang mga bagay sa mundo.
-Jkul, Nagbabalak nga akong pagbigyan sila dapat daw kasing ipamahagi kung anong mayroon ka (agang panaginip nito hahaha)
wag magalala atlist may tatayo pa. hahahaha. nice post sir ^_^
TumugonBurahinKapatid salamat sa paglaan ng panahon upang mapadaan dito sa munti kong tahanan, ako'y lubos na natutuwa at ang isa sa mga sinusundan kong kilalang manunulat dito sa Blogspot ay nag-iwan ng puna. Sana makabalik kayo dito kapatid
TumugonBurahinparekoy, aba wag kang papayag ng ganon.. inggit much lang ahehehe...
TumugonBurahin