Mainit na champorado, umuusok, may kasamang tuyo. Yan ang nais ko ngayong malamig at maulang araw na ito. Masarap din maglakad sa labas. Basa at matubig ang daanan. Marami kang makikitang may dalang payong panangga laban sa ulan dahil ayaw nilang magkasakit. Pero di ba ang sarap mabasa ng ulan?
Manunumbalik sa iyong ala-ala ang mga pangyayari nung ikaw ay bata pa. Wala pang malay sa mga pangyayari at riyalidad ng ng buhay at lipunan. Nung panahon na pag may problema o nadapa ka. Umiiyak. Nariyan lang si inay mo at pupunasan ang mga luhang dumadaloy sa iyong pisngi. At gagamutin ang kung ano mang sugat na iyong natamo sa iyong pagkadapa.
Ang maglalakad sa ilalim ng malakas na ulan ay maituturing kong isa sa mga maraming paraan upang takasan saglit ang kasalukuyan. Pagtakas hindi para talikuran ng tuluyan. Kundi para magkaroon ng tapang upang harapin muli ang mga hamon ng kinabukasan. Dahil sa tumataas na ang antas ng pang-unawa natin sa mga pangyayaring nagaganap sa ating buhay at sa lipunan. Tumataas rin ang antas ng hamon at pagsubok na ating kaharapin sa kinabukasan.
Dahil dito tataas rin ang posibilidad na tayo ay madapa at masugatan. Pagkadapa na tanging sarili mo lang ang maaaring tutulong at aalalay sa'yo. Pagkasugat na tanging ikaw mismo ang gagamot upang maghilom ito at upang mapawi ang hapdi at sakit na nararamdaman. Malaki ka na. Nariyan nga si inay pero marami ring mas mabibigat na pagsubok ang nilalabanan nya sa ngayon. Ang tangi nya lang maibigay sayo ay ang payo at pagkalinga. Payo at pagkalinga sa isang anak na naghahangad ng gabay ng isang ina.
Hanggang diyan nalang yan dahil napansin ko papalayo na ng papalayo ang sinasabi ko.
Napansin mo? Mula sa champorado napunta sa ulan. Naging payong. Napunta sa pagkabata. Nadapa. Naging problema na naging nanay? Ang lalyo na diba? Pero salamat sa pagbabasa :D inom ka nalang ng biogesic pagkauwi mo sa bahay kung ikaw ay naulanan baka magkasakit. At wag kalimutan ang champorado na may tuyo masarap yun :D
Dahil alipin ako ng makalumang wikang taal, "jan" hindi ko trip kapag sulating pormal ang artikulo pero bakit ako nangingialam, wala naman, baka gusto mo lang makitrip sa trip ko.
TumugonBurahinAlipin ka rin ng ulan? Ako din.
Basa mo ito pag may time ka.
http://jkulisap.com/2010/08/gunita/
"jan" si misis sir pinuna rin yan salamat rin sa pagpuna mo sa mali ko pagiigihan ko pa. Maraming salamat
TumugonBurahinKapatid maraming salamt sa pagpuna ng mali. Nariyan na at binago ko na nanliit ako bigla dahil naisip kong medyo may mangilanngilan sa mga kakilala ko ang nakabasa sa lathala ko na ito sa facebook. May natutunan ako kung paano gagamitin ang tamang salitang Pilipino. Naway di ko na mauulit ang nasabing pagkakamali. Maraming salamat ulit kapatid
TumugonBurahinNagbabagong bihis ang wika kasabay nang pagbabago ng ating panahon. Nakadepende 'yan kung anong atake ang nais mo, makaluma o makabago.
TumugonBurahinPormal o di pormal na salita. Kung nais mong masining o istrikto ang paraan ng iyong pagsulat, gagamitin mo ang mas akma pero kung di-pormal naman at makabago, pwede naman 'yan.
Walang anuman po bossing Joey