Martes, Enero 25, 2011

BOMBAHAN NAMAN NGAYON

Ilang araw pa lang ang nakakalipas nung kumalat sa radyo at telebisyon ang kahindikdik na balita tungkol sa krimen di lang pangangarnap kundi pangingidnap at pagpatay sa ilan sa mga negosyante ng mga segunda manong sasakyan. Hanggang sa kasalukuyan di pa rin mawaglit sa isipan ng sambayan sa kalunoslunos na pangyayaring iyon marahil hindi pa tapos ang pagsisiyasat sa kaso at hanggang sa kasalukuyan ay di pa rin nahuli ang ilan sa mga utak ng krimen. Patuloy pa rin itong bukambibig ng mga Reporter sa radyo at telebisyon mapaumaga, tanghali at lalong lalo na sa gabi.

Di pa man tapos ang nakaraang dagok ay ito na naman tayo sa panibagong delubyo. Ang nauulat na pagsabog ng isang pampublikong bus na byaheng EDSA na kung saan 2 ang naiulat na nasawi at di bababa sa 17 ang sugatan. Sino ang may kagagawan nito? Terrorista ba? O baka ang mga taong sangkot lang din sa krimen na nangyari nitong nakaraang linggo na aking nabanggit sa itaas para lang maibaon yon sa limot dahil masyado na itong "talk of the town".

Puro nalang negatibo ang mga laman ng balita ngayon. Pagkatapos ng pangangarnap at patayan, bombahan naman ngayon? Di ba pwedeng MAGMAHALAN nalang tayong mga Pilipino? Ang sarap sa tenga kung ganito ang magiging laman ng balita "MAY PAG-IBIG SUMABOG SA KANTO NG BUENDIA AT EDSA APAT ANG LUBHANG NATAMAAN AT SA KASALUKUYAN SILA AY NAGMAMAHALAN"

8 komento:

  1. walanghiya ang mga yan parekoy.. tsk tsk

    TumugonBurahin
  2. onga parekoy eh gustuhin ko mang manggalaiti sa galit sa mga taong ito na halang ang bituka wala rin magagawa, panalangin na lang ang tangi nating makakapitan sa ganitong pangyayari. Naway magbago na ang mga taong sangkot sa mga ganitong klaseng krimen.

    TumugonBurahin
  3. Uulitin ko ulit pero hindi na ganun kasarap.
    Una, ipapadukot kita kung ikaw ang nagmamay-ari sa buhok na iyan, gusto ko din yan, mas maraming insekto mas maraming kapangyarihan, may kuto na umiinom ng tanduay ice, lisa na nagtatumbling at mga balakubak na nagmamasahe sa anit. Like ko.

    Pangalawa, dito tayo tumatae, dito tayo nagbubuga ng hininga sa bansang ito, dito tayo tumatawa at umiiyak, dito tayo nangungutya, dito tayo haharutin ng uod sa lupang kayumanggi. Hindi natin kayang talikuran ang mga problema ng ating bansa, mananatiling ingay ito na maririnig ng ating taynga hangga't hindi tayo nakikinig at nakikiisa.

    Sige, magbomba ka ng pagmamahal at kapayapaan, para lahat damay. Ngayon na. Pinoy tayo eh. Susunod tayo para Life is Easy.

    Paker! Yo. Sampol lang. Angas angasan lang kupal naman me. :)

    TumugonBurahin
  4. Habbit nyo bang pahirapan si JKul, oo kayo ni Istambay, paulit-ulit.

    Ayusin nga ang comment section ha. Ngayon na. Wag na umangal, ako ang umaangal.

    :)

    TumugonBurahin
  5. Para kaming sirang plaka paulit ulit
    Para kaming sirang plaka paulit ulit
    Para kaming sirang plaka paulit ulit
    Para kaming sirang plaka paulit ulit
    Para kaming sirang plaka paulit ulit
    Para kaming sirang plaka paulit ulit
    Para kaming sirang plaka paulit ulit
    Para kaming sirang plaka paulit ulit

    Napakamalungkutin ng tahanan kong ito si banjo aang laging laman ng comment box binigyan mo ng buhay.

    Gusto ko yang sinabi mo sa pangalawa nakailang beses ko rin inulit basahin di ko alam bakit gusto ko ng paulit ulit hanggang sa magsawa ako.

    TumugonBurahin
  6. Ayun inayos ko na.
    Pero di ako sigurado kung ayus na ba talaga wala akong alam dito.

    TumugonBurahin
  7. Wala kang alam? Tae ka, bakit ka nagblog? Lagyan mo ng konting anghang. Joke.

    Ewan ko sa blogspot, pahirapang magkoment pero sa totoo lang ang daming magagaling na blogger dito sa blogspot.

    Kasama ka ba 'don?

    Ewan ko. Basta 'yong buhok mo ayusin mo yan. Hehehhee.

    Try ko ulit

    Ayan turuan mo si Banjo, ganun din problema ko sa site niya.

    TumugonBurahin
  8. Ahahaha oo wala akong alam puro pagmamahal lang ang nasa puso at isipan ko. Buti naman at naayos ko na may natutunan na naman ako ngayon araw isang payak na bagay na maituring pero siguradong magagamit ko balang arawlalo kay banjo hahaha

    Ang dami nga nilang magagaling eh, tapos nadiyan kayo nila Salbe at kung sino sino pang binabasa ko. Kayong mga hinahangaan ko ang dahilan kung bakit gumawa rin ako ng blog na patungkol sa pagmamasid ko sa lipunan at sa sarili ko na rin karamihan dito ka-emohan at suicidal tendencies.

    Di ako magaling, humahanga lang ako sa mga gawa ninyong mga biniyayaan ng grasya ng katalinuhan at puno ng kiliti ang utak.

    ahahaha sige pag may pagkakataon aayusin ko na to isang taon ko ng hindi naayos itong dreadlocks ko eh hahaha madami dami na rin ang alaga ko dito.

    TumugonBurahin