Biyernes, Hunyo 15, 2012

TAKDANG ARALIN: SUKAT AT TUGMA (TUGMAAN NG PATINIG NA MAY IMPIT AT WALANG IMPIT)

TANAGA: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig

Tugmaan ng patinig na may impit

Matamis sa simula
Lahat tila biyaya
Bunga ng pulot-gata
Mapapait na luha

Tugmaan ng patinig na walang impit

Kilalang matalino
Ayaw maging anino
Nagpadala sa tukso
Hinagupit ng bagyo


DALIT: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may walong pantig

Tugmaan ng patinig na may impit

Sintunado yaring puso
Tudla nito ay malabo
Kadalasa’y nabibigo
Luha nito’y purong dugo


Tugmaan ng patinig na walang impit


Kasiping ko’y alaala
Kalaguyo’y pagdurusa
May hiwatig ang ligaya
Kapag yakap aking reyna



AWIT: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may labindalawang pantig. Mayroon rin itong 6/6 na Caesura*.

Tugmaan ng patinig na may impit

Ako’y nakadungaw sa lumang bintana
Taglay n’yang kalawang at pagkakalugta
Ang s’yang pumipigil nitong aking diwa
Nang di makalipad at makatingala


Tugmaan ng patinig na walang impit


Tanging pangarap ko, ika’y makasama
Hatid mo’y ligaya sa bawat umaga
Kung makaramdam ka ng sakit at dusa
Basagin mo na lang itong aking panga

*Ang Caesura o hati ay ang regular na pagtigil o paghinga sa loob ng isang taludtod sang-ayon sa mga pagpangkat ng mga salita't bigkas sa taludtod.

9 (na) komento:

  1. sana ung mga tula kong babasahin kay Prof. Rio, ay may matira kahit tuldok...

    TumugonBurahin
  2. nice.. may matututunan tayo nito, adre.. hehehe

    TumugonBurahin
  3. @JH Alms

    ito'y ayun pa lamang sa aking nauunawaan sir Jesse, di pa tiyak kung may matitira pa rito sakaling gigisahin na. hahaha

    TumugonBurahin
  4. ganuon pala iyon. ngayon ko lamang napagtanto.

    salamat dito sir joey

    TumugonBurahin
  5. so Can how I can get more things about this idea.
    Web design india

    TumugonBurahin
  6. Leksyon namin to ngayon

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ano po ba ang ibig sabihin ng impit?

      Burahin
  7. Ano po ang ibig sabihin ng impit?

    TumugonBurahin