Ito yung karugtong noong naunang takdang aralin. At sa wakas natapos rin ang palihan noong Sabado. Pinalad namang may natira pa sa mga ginawa ko. Ang napuna lang ay yung hindi ko paglalagay ng bantas sa bawat saknong.
TANAGA: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig
Tugmaan ng Katinig na malakas
Ang bahaghari’y hungkag;
Ulan ay hinahamak,
Pag araw ay sisikat;
Ang lupa’y maghihirap.
Tugmaan ng Katinig na mahina
Isang hakbang pasulong,
Ang usad ay paurong,
Sa haba ng panahon,
Ang baya’y nagugutom.
DALIT: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may walong pantig
Tugmaan ng Katinig na malakas
Mapagod man itong bibig,
Puso ko man ay mamanhid,
Gumapang man sa’king sahig,
Tuloy pa rin ang pag-ibig.
Tugmaan ng Katinig na mahina
Ang pangarap aking tangan,
Sa di tiyak na pagsugal,
iaalay itong buhay,
Alang-alang sa ‘king kulay.
AWIT: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may labindalawang pantig. Mayroon rin itong 6/6 na Caesura*.
Tugmaan ng Katinig na malakas
Hindi pa man ganap o huwad ang isip,
Kapag nagugutom s’ya ay tumatangis,
Inosenteng labi uha’ng bukambibig,
Ito’y isang himig sa t’wing naririnig.
Tugmaan ng Katinig na mahina
Sa tuktok ng papag nitong pag-aasam,
Walang humpay itong aking pagdarasal,
Upang makaahon sa hirap ng buhay,
Ngunit kaluluwa’y tinupok ng anay.
*Ang Caesura o hati ay ang regular na pagtigil o paghinga sa loob ng isang taludtod sang-ayon sa mga pagpangkat ng mga salita't bigkas sa taludtod.
Mga uri ng katinig na malakas b, d, g, k, p, s, at t
Mga uri ng katinig na mahina l, m, n, ng, r, w, at y
Dapat ring isaalang-alang na magkapareho ang bawat patinig bago ang katinig na pantugma.
Halimbawa:
hungkag
hamak
sikat
hirap
buti ka pa alam mo pa yung mga katinig patinig, ako limot ko na hehe
TumugonBurahinSir nakalimutan ko na ito kaya inaral ulit. :D
Burahindami talaga akong mapupulot dito, adre.. hehe.. ituloy mo lang ha?
TumugonBurahinMarami pang darating hehehehe
BurahinWow sir joey! Ayos to.
TumugonBurahinSir Empi ito yung dahilan noong minsan magkasabay tayo sa iisang dyip.
BurahinMaari nyo bang ipaliwanag kung gaano ka-nice? Parang Nice hotel ba ito sa may EDSA? Ay teka, do you understand Tagalog?
TumugonBurahinnice post! xD
TumugonBurahinNgayon ko lang nalaman yung mga katinig na malakas at mahina, may ganun pala? Paano sila naka-categorize?
Ang gaganda ng mga halimbawa mo ser. Sana marami pa kong mabasa na ganito :)
ang lalim neto ! ^___^
TumugonBurahinDito na ako mag-aaral sa hiram na kaligayahan.
TumugonBurahinO kay sarap
ilagay sa utak
titik ay lasap
tila agimat
:)
Oo naman, nakakaintindi ako ng tegelug.
TumugonBurahinKamusta po?
lels
tnx vry much B)
TumugonBurahinAno ang caesura?
TumugonBurahin