Lunes, Hunyo 4, 2012

DALAWANG TAON

kay Danielle Marley, sa pangalawang
taong anibersaryo ng pagpanaw



Sa loob ng dalawang taon,
Ako'y walang humpay na nakikipagsiping
Sa mapupusok na alaala.
Mapipigtas na ang mga ugat
Sa bawat sulok ng aking isipan.
Sa huli'y naiwan akong laspag
At nakahandusay sa papag
Ng pangungulila at paghahangad.

Sa loob ng dalawang taon,
Di man tiyak ang patutunguhan,
Ako'y nagpatangay sa agos ng pagsisisi;
Habol-hininga akong umahon,
Dama ang hapdi at sakit
Ng bawat galos at pasa sa buong katawan.
Habang niyayapos ng malamig na hangin,
Ako ngayo'y nangangatog sa ginaw
At nakabaon ang mga paa sa buhangin
Ng mga dapat sana.

7 komento:

  1. dalawang taon na.. pero mukhang tagos pa rin.. pero kaya yan adre..

    TumugonBurahin
  2. Gumigewang pa rin kahit dalawang taon na ang nakalipas.

    TumugonBurahin
  3. Naghahanap lang talaga tayo ng presensya kaya tayo nasasaktan pag mga ganitong bagay. Normal lang. Pero ang tunay na presensya ay Ala-ala.

    TumugonBurahin
  4. Tumpak Monik. Madaming alaala at ang mga dapat sana

    TumugonBurahin