TANAGA: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig
Tugmaan ng patinig na may impit
Matamis sa simula
Lahat tila biyaya
Bunga ng pulot-gata
Mapapait na luha
Tugmaan ng patinig na walang impit
Kilalang matalino
Ayaw maging anino
Nagpadala sa tukso
Hinagupit ng bagyo
DALIT: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may walong pantig
Tugmaan ng patinig na may impit
Sintunado yaring puso
Tudla nito ay malabo
Kadalasa’y nabibigo
Luha nito’y purong dugo
Tugmaan ng patinig na walang impit
Kasiping ko’y alaala
Kalaguyo’y pagdurusa
May hiwatig ang ligaya
Kapag yakap aking reyna
AWIT: Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may labindalawang pantig. Mayroon rin itong 6/6 na Caesura*.
Tugmaan ng patinig na may impit
Ako’y nakadungaw sa lumang bintana
Taglay n’yang kalawang at pagkakalugta
Ang s’yang pumipigil nitong aking diwa
Nang di makalipad at makatingala
Tugmaan ng patinig na walang impit
Tanging pangarap ko, ika’y makasama
Hatid mo’y ligaya sa bawat umaga
Kung makaramdam ka ng sakit at dusa
Basagin mo na lang itong aking panga
*Ang Caesura o hati ay ang regular na pagtigil o paghinga sa loob ng isang taludtod sang-ayon sa mga pagpangkat ng mga salita't bigkas sa taludtod.
wagas na mangingibig...
TumugonBurahinsana ung mga tula kong babasahin kay Prof. Rio, ay may matira kahit tuldok...
TumugonBurahinnice.. may matututunan tayo nito, adre.. hehehe
TumugonBurahin@JH Alms
TumugonBurahinito'y ayun pa lamang sa aking nauunawaan sir Jesse, di pa tiyak kung may matitira pa rito sakaling gigisahin na. hahaha
ganuon pala iyon. ngayon ko lamang napagtanto.
TumugonBurahinsalamat dito sir joey
so Can how I can get more things about this idea.
TumugonBurahinWeb design india
Leksyon namin to ngayon
TumugonBurahinAno po ba ang ibig sabihin ng impit?
BurahinAno po ang ibig sabihin ng impit?
TumugonBurahin