Miyerkules, Hunyo 29, 2011

HUWAG MASYADONG TITIGAN

Nanginginig
Aking dibdib
Mga daliri
Hindi mapakali

Ako'y natatakot. Huwag mo akong diligan ng mga matatalim mong titig. Ako'y nakikiusap. Ako'y nagmamakaawa. Ako'y natutunaw. Tama na. Dahil ang mga nalulusaw na bahagi ay s'ya ring umaapula sa umaapoy kong damdamin.

Naabo
Aking puso
Hangin umihip
Saki'y sumagip

Nilipad
Sa kalawakan napadpad
Lumulutang sa kalungkutan
NAIS HUMIRAM NG KALIGAYAHAN

6 (na) komento:

  1. ang lalim ng pinaghugutan di ko maarok! denial in between..hmmmm...

    TumugonBurahin
  2. Mga pira-pirasong usal ng isip.
    Walang tiyak na direksiyon. Yon ang silakbo ng damdamin

    TumugonBurahin
  3. magnakaw ka nalang ng kaligayahan..hehe

    nice

    TumugonBurahin
  4. napaka lalim, mukhang may pinagdadaanan...

    TumugonBurahin
  5. sa pag-agos ng tubig sa karagatan, kasabay ng paghuni ng mga ibon sa himpapawid. madilim na kalangitan, nakakatakot na alingawngaw sa lansangan. walang kaugnayan sa post mo! wala lang!

    TumugonBurahin