Martes, Hunyo 14, 2011

BADJAO

Sir/Mam,

Ako po ay isang "BADJAO" humihingi sa inyo ng kaunting tulong.

Salamat po.



Hindi pangkariniwan ang ganitong tagpo ngayong tag-ulan. Madalas kasi ang makikita mo sa ganitong pagkakataon ay yung mga bata na papanhik sa dyip at dudumihan pupunasan ng maduming basahan ang sapatos ng mga pasahero. Subalit nitong umaga mga batang Badjao ang nakikipagpatintero sa mga sasakyan sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road. Akyat sa dyip at magbibigay ng sobre na may nakatatak na katulad ng nasa itaas.

Nagtataka ako kung bakit naka "ALL CAPS" at lutang na lutang ang salitang Badjao? Sinong siraulo ang nagpagawa ng rubbercut nito sa Recto? Bakit itong mga bata na ito ang ginagamit at hinahayaan lang na pakalat-kalat sa kalsada.

Ang galang-galang nung nakaimprenta sa sobre taliwas sa inaasta ng mga bata.

Sinong siraulo naman kaya ang nagturo sa mga batang ito na murahin ang mga pasahero kapag hindi nagbigay? At sasabihin ang ganitong kataga:

"ANG MGA HINDI NAGBIBIGAY AY KUKULAMIN".

Subalit kung ikaw naman ay magbibigay ng barya-barya lang, malamang sa malamang ay ikakasama pa ito ng kanilang kalooban at magwala. Tatanungin ka pa kung bakit barya lang ang ibinigay mo.

Hanggang kailan sila mananatiling nasa kakalsadahan? Hanggang kailan sila gawing sangkalan at gawing negosyo ng mga siraulong mga nasa likod nito. Hanggang kailan manganganib ang mura nilang buhay at isipan?

KAILAN?

5 komento:

  1. gawin continent ang pinas......kung mangyayari un, hindi basta2x makakapunta ang mga tao sa luzon, dahil kailangan pa nila ng visa...so mababawasan ang pakalat-kalat sa lansangan...

    TumugonBurahin
  2. nakakalungkot na may ganitong pangyayari sa ating bansa.

    sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang tamang pagtugon sa ganitong sitwasyon. una, hindi ko alam kung sindikato lang ba ito. kundiman, san nila dinadala ang pera na kanilang nakukuha, sugal? bisyo? o sa pamilya nila na naghihikahos at may sakit? pangalawa, pag binigyan mo ba sila ng barya, matututo sila palaguin ito o lalo lang sila magiging dependent sa taong nakapaligid sa kanila?

    nakakalungkot. bansa ko to, mahal ko. pero di ko alam ano ang tamang paraan para matugunan ang ganitong bagay.

    TumugonBurahin
  3. kung walang disiplina ang mga magulang tiyak ganun din ang bunga.....nakakaawa..pero sino ba talaga ang may sala bakit naging ganito ang kapalaran nila...tsk tsk

    naki-epal....

    TumugonBurahin
  4. Di ko pa ito lahat nababasa.

    Si Lian, nagsusumbong sa akin, di raw siya makakoment dito.

    Kaya susubukan ko.

    TumugonBurahin
  5. Ang bahay kong ito ay bukas sa lahat. gumaganti lang yata ang blogspot sa wordpress hahaha pahirapan kasi magcomment ang blogspot sa wordpress. tagawordpress si lian?

    TumugonBurahin