Miyerkules, Hunyo 8, 2011

KM2 (ANG HULING EL BIMBO NI MAGDALENA)

Takipsilim. Tikas at kisig ng haring araw ay unti-unting nagagapi’t nilalamon ng kadiliman. Puri ng kapaligira’y halinhinan nitong maaangkin sa harapan ng mga naglilingkisang mga ilaw sa kabahaya’t sasakyan. Nagpapahiwatig ng pagtutol. Pilit lumalaban subalit nagparaya rin sa kalaunan.

Kasabay ng pagliyab nitong mitsa ng gabi ay ang muling pagtatala ng panibagong pahina sa yugto ng pakikipagbuno. Ngunit pangkaraniwan.

Inaaliw ang mga nalulumbay.

Pinapaligaya ang mga nalulungkot.

Pinapainit ang mga nanlalamig.

Habang lumalalim itong gabi’y pilit idinidilat ang mga mata. Katulad ng isang manananggal. Sikmura’y kumakalam.

Tingin sa iyo’y banal.
Sinasamba.
Subalit pinagnanasaan.
Kawangis ay pulot-pukyutan na pinagsasaluhan ng mga langgam habang dahan-dahang inuubos ang taglay nitong tamis. Tila isang maharlika na tadtad ng ginto ang buong katawan.

Ika’y Magdalena ng mapanghusgang lipunan na pilit sumasabay sa makabagong panahon.

Umiindayog. Ihinahain ang katawan katulad ng isang pulutan na ginagawang pampagana sa inuman. Sa harap ng malapad na salamin. Sa entablado’y pinapalibutan ng makukulay ngunit patay-sinding mga ilaw. Kasabay ng pagbulusok ng mapusok na usok ay marahang tinatanggal ang kapirasong saplot na sa kuyukot ay bumabalot.

Gumigiling sa bawat bigkas ng liriko sa awiting Huling El Bimbo. Hinahaplos ang kaselanan.
Paitaas.
Paibaba.
Sumusunod sa bawat alingawngaw na dulot ng hiyawan. Nanlilisik at namumungay na mga mata’y nagdiriwang. Animo’y mga mata ng mga paniki na kayang magbigay liwanag sa isang malaking yungib.

Sa loob ng malamig na silid ay nagingibabaw ang init ng mga bisig na sa katawa’y gumagapos. Bisig na kahambing ay dikya sa karagatan. Taglay ay kakaibang kuryenteng sapat upang daluyin ang buong kalamnan at gisingin ang natutulog na pagnanasa. Sa bawat hugot at baon ng kanyang pagkalalaki ay namamayani sa buong silid ang mga mapagkunwaring halinghing.

Pagtatampisaw ay nagwakas. Katawa’y lupaypay. Pagkatapos parausan ay iniwan.
Nangangalumata.
Wala sa sarili.
Panibugho sa damdami’y bumabalot na tiyak peklat ang magiging dulot.
Nagtatanong.
Naghahanap ng kasagutan.

Takipsilim. Kisig at tikas ng damdamin ay unti-unting tumitibag sa pader na dulot ng buhay na lugami sa hirap. Naglilingkisang mga ilaw sa kabahaya’t sasakyan kasama ang maluwalhati na paghingi ng gabay sa Maykapal ay s’yang liwanag upang adhika’y makamtan.

38 komento:

  1. kaboooooooooommmm.. napakagaling ng yong akda kaibigan... ang aking salita ay kulang pa para kay magdalena..

    TumugonBurahin
  2. oha! may isang comment na. Pangalawa itong sa akin. 18 nalang ang kulang. wahahaha

    Sir MD base on experience. Alaala ng kakisigan wahahaha

    TumugonBurahin
  3. As promised ser joey, heto na ng comment ko!

    COMMENT!

    xD

    Madalas na sabihin na oldest known profession ang napasukan ni Magdalena. Marahil dahil sa naging kalakaran sa simula pa lamang. Masarap ang laman, yan ang totoo. Subalit, kagaya ng iyong akda babalik at babalik sa Dakilang Lumikhang taga-gabay. Umaasa na sa muling pagsaliw ng musika at kislap ng mga ilaw ay tunay na liwanag at saya ang makikita.
    =)
    Be blessed, sir. Great Entry!

    TumugonBurahin
  4. ito na! pang-apat na itong reply ko sa'yo Sir Pong. 16 nalang ang kulang.

    Sir pong gusto ko yang "Be Blessed" sa comment mo. Matagal ko ng hindi naririnig yan mula sa isang tao maliban sa pari na madalas nagsasabi nyan tuwing may misa.

    TumugonBurahin
  5. perfect ang iyong el bimbo ka joey mabuhay ka :)

    TumugonBurahin
  6. nalungkot ako.... nalungkot ako... hindi nga ako nagkamaling ikaw ay isa sa mga manok ko.. ngunit sa pagkamalungkot, alam mo kung bakit....



    isang malaking buntong-hininga lamang ang aking nabunot.... malamlam akong tumanaw sa malayo pagkatapos kong mabasa ito...

    TumugonBurahin
  7. panalo to ser Joey!


    maayos ang pagkakalapat ng mga salita.

    gusto ko ang pag gamit ng pag-indayog sa el bimbo. may pagkamalalim ang mga linya at sadyang nakaka taba ng utak.

    salamat sa inspirasyon.


    nabasa ko na ang lahat ng nakapagsubmit mula ng oras na sinusulat ko 'tong kumento kong ito. tatlo ang pumukaw ng aking atensyon, at isa ang iyong likha.

    \m/ rock on ser!

    TumugonBurahin
  8. ang galing ng pagkakapinta mo sa setting ng iyong akda pati na rin sa buhay na sinusuong ng isang Magdalena.

    Pinananalangin ko sana'y hindi na sila madagdagan.

    TumugonBurahin
  9. @Era- mam mas perpekto po ang komment mo. Salamat.

    TumugonBurahin
  10. @Essa - huwag mo lamang akong bugahan ng usok sa umaga ha.

    Alam ko ang dahilan kung bakit ka nalulungkot.

    TumugonBurahin
  11. ang ganda rin. tamang tama ang el-bimbo ng eraserheads bilang 'theme song' sa akdang ito.

    nasa pagpili pa rin ang kwento ng bawat magdalena sa lahat ng pagkakataon. nakakalungkot. napakaraming magdalena ang naglipana. naghihintay kung kailan sila tutubusin mula sa pagkakabaon sa maputik nating lipunan.

    TumugonBurahin
  12. @SG akala pards nice post wahahaha

    Salamat ng madami sir.
    Kay sarap basahin ng mga lahok sa patimpalak ni Jkul. Kahit paulit-ulit. Ibat-ibang kategorya. Nakakalawak ng isipan.

    TumugonBurahin
  13. @madz - Bago ang lahat may katanungan lang ako, bakit ka nga pala nakatalikod sa profile picture mo? hahaha

    Hindi natin malalaman kung hanggang saan at hanggang kailan mawawala ang ganitong hanapbuhay. Siguro sa walang hanggang katapusang dulo? Tingin mo? Medyo nauunawan ko na ang kanilang mga kwento dahil sa isang kaibigan.

    TumugonBurahin
  14. @Duking - Sir maraming salamat sa paglaan ng oras upang basahin ang akda kong ito. Isang karangalan.

    Hangga't may Magdalena magkakaroon pa ulit ng iba pang Magdalena.

    TumugonBurahin
  15. bakit ba natutuwa ako sa pakwentong sanaysay? ang galing po sir joey. dalawa na ang manok ko sa patimpalak na 'toh. :D

    nakapagtataka lang kasi karamihan sa mga lahok ay ganito ang tema. siguro dahil na rin sa pagkakakulong sa mga binigay na salita. eniwey, magaling po talaga. good luck sa patimpalak! :D

    TumugonBurahin
  16. bakit ba natutuwa ako sa pakwentong sanaysay? ang galing po sir joey. dalawa na ang manok ko sa patimpalak na 'toh. :D

    nakapagtataka lang kasi karamihan sa mga lahok ay ganito ang tema. siguro dahil na rin sa pagkakakulong sa mga binigay na salita. eniwey, magaling po talaga. good luck sa patimpalak! :D

    TumugonBurahin
  17. @sir Pablo maraming salamt po.

    Ang gusto kong gawin ay yung tungkol sa bayan. Kaso napapadalas ako sa bahay ni Jkul nabanggit ko minsan na kukuha ako ng inspirasyon sa Cubao. Yung may mga patay-sinding ilaw nga. At pasok rin naman ang 16 na salita. At dun nagumpisa ang kwento nito. Minsan na rin naman akong nakapasok sa mga lugar na ganito.

    Sir pangarap ko lang umabot ng 20 comments di ko nais manalo hahaha. sumubok lang bilang suporta kay Jkul. Malapit ko na marating ang 20 comments hahaha

    TumugonBurahin
  18. ser joey, tatlo nalang ang kulang.

    nice post ulet. hehe.

    at dahil ipopost ko to. 2 nalang pala. hehe.

    TumugonBurahin
  19. SG_ at sasagutin ko iting comment mo. So isa nalang? wahahaha Aabot ito. Hinihintay ko nalang yung comment ni Jkul. sakto 20 comments na kahit di ko na yun replyan hahaha

    TumugonBurahin
  20. ..dahil sa kahirapan ng buhay ang mga magdalena ay di maiwasan, pero sana maisip din nila na ang paglipad nang mababa ay hindi lang ang tanging paraan para mabuhay.

    TumugonBurahin
  21. ** pkierase ung una kong comment hihihi...tehenks :D

    TumugonBurahin
  22. ayan, currently may 21 comments na kayo sir.

    ang ganda ng kwento, kahit walang larawan ay napakadescriptive ng kaganapan. hindi rin sobrang lalim ng words.

    TumugonBurahin
  23. Sir Joey, kahit naman ako ay hindi naghahangad. Sumali lang ako para maubliga ang sarili kong magbasa. Medyo nakakalimutan ko na kasing gawin yung nito mga nakaraang araw eh. At siyempre dahil na rin pinasali ako ni essa. :D

    TumugonBurahin
  24. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 4.

    5 KM2: ANG HULING EL BIMBO NI MAGDALENA
    Joey Velunta Las Piñas

    TumugonBurahin
  25. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 5.

    5 KM2: ANG HULING EL BIMBO NI MAGDALENA
    Joey Velunta Las Piñas

    TumugonBurahin
  26. ser joey. nanalo tayo, naka benteng komento ka... higit pa pala.

    keep on rockin' ser.

    TumugonBurahin
  27. dadagdag pa ako sa ng isang komento kahit bente lang kahilingan mo! haha! ngayon lang napadpad dito sa bhay mo salamat sa km2 at may bago akong nakilala...mahusay po!!

    pero na sad ako....haay...kawawang magdalena...

    TumugonBurahin
  28. magdalena ikaw ay sawing palad.. mahusay ang paghimay sa mga salita... dumaan at nikibasa..

    TumugonBurahin
  29. natutuwa ako kapag ganitong me pakulo,,, talagang lumalabas ang kahusayang magsulat ng mga pinoy blogger...

    paborito ko ang e-heads,ang mga kwento ng cubao, maganda ang daloy ng paglalahad... at matalinong nagamit ang 16 salita...

    mahusay na akda...

    TumugonBurahin
  30. mahusay at malinaw ang pagkakalapat ng 16 na balakid,at ganoon kaigi itong intindihin.

    Magaling!
    Goodluck sir!

    TumugonBurahin
  31. Nagbasa at nagbigay ng grado...

    Ang linaw ng mensahe...maganda ang pagkadilever mo sa mga balakid na salita. Isang napakahusay na akda nito papa.

    TumugonBurahin
  32. nagbasa at at nagpaulan ng puntos...

    salamat at good luck sa ating lahat

    TumugonBurahin
  33. ang husay! ang lupet ng mga kombinasyon ng titik, malalim.

    iniskora na kita.

    goodluck and congrats.

    TumugonBurahin
  34. sana yun na ang huling gabi ng huling el bimbo. sa muling pagsilay ng araw sana'y matapos na din ang pakikipagsayaw ng ganun sa buhay. ibang tugtugin naman, yung sya naman ay balot ng kasiyahan.

    TumugonBurahin
  35. Marami sa mapanghusgang lipunan ang hindi kayang arukin ang kinasadlakan ni Magdalena. Higit akong humahanga sa mga nilalang na kayang isalba ang buhay nila at iahon sila sa kumunoy kaysa sa mga nagpapasasa sa tawag ng laman matugunan lamang ang bulok nilang katauhan.

    Aminado akong minsa'y napatuntong sa entabladong sinasayawan ni Magdalena, handang makipagbakbakan sa piling niya. Kung anuman ang kinahantungan, isang aral ang aking natutunan. Salamat sa akdang ito, nanumbalik ang araw na iyon sa aking alaala.

    TumugonBurahin
  36. 5. Si Magdalena ay bahagi ng buhay nating mga Pilipino, naging bida sa pelikula, sa telebisyon, komiks at sa iyong akda. Ito ay buhay na patotoo na ang kalakalan ng laman ay umaalingasaw. Ngunit, sino ba tayo para humusga? Tayo’y naaliw sa kanilang pag-indak, sa kanilang maharot na paggiling. Kadalasan kapag nagbabasa ako ng kuwentong ganito, may magiting na lalake ang sasagip kay Magdalena at mag-aahon sa kaniya sa putik. Kahanga-hanga ‘yon subalit napapaisip lamang ako. Ako kaya? Ikaw, siya? Iibig din ba kay Magdalena? Nakakaraos ang puson pero kapag ang puso, nais nitong sumimsim ng dalisay na pagsinta, Magdalena man siya o hindi. Minsan sinusukat sa kalinisan ang pag-asam. Sa ibang bansa, legal ang prostitusyon. Kamusta na ang Pasay Boss Joey? hehehe
    Humanga ako sa iyong likha. Muli ako’y nagpapasalamat sa iyong pakikilahok sa KM2: Daloy Diwa.

    TumugonBurahin