Akda ni Kerol Hebyer
Ayoko ng tunog ng wang-wang.
Tunog mayabang.
Tunog na nagpapakita ng kapangyarihan para
makawala sa totoong sistema ng buhay.
Ambulansiya.
Noon, payak lamang ang pananaw ko
sa sasakyang ito. Isang sasakyan na inaangkin ng
mga pulitikong nasa lokal na pamahalaan sa
pamamagitan ng pagiimprenta ng mga pangalan
at posisyon sa mismong katawan ng sasakyan.
Kadalasan kong nakikita na walang laman. At kung
mayroon man eh isang Poncio Pilato na gustong
lumusot sa mga nagsisiksikang sasakyan.
Ayoko ng tunog ng wang-wang.
Lalo na ngayon. Iba ang hatid na takot sa akin.
Tunog kamatayan. Iba kapag naranasan mo
ang totoong silbi ng ganitong uri ng sasakyan.
'Yon na yata ang pinakamatagal na
byahe na maaring maranasan ninuman. Ang
pinakamatagal na byahe na naranasan ko, ang
sumakay sa sasakyan na patungong kamatayan.
Para kang sumakay sa barko na nasa gitna ng
karagatan kung saan hindi mo makita ang
patutunguhan. Isang byahe na nagsisilbing hatol
para sa iilan.
Isang byahe na mahirap makalimutan
kapag naranasan. Isang byahe na di mo na
kakayanin kung maulit ng isa pang minsan.
Kabaligtaran ng iyong pananaw: pangarap ko sumakay sa ambulansiya.
TumugonBurahinAng ambulansiya.
TumugonBurahinMay nabasa ako noon sana maalaala ko ngayon.
Umusal ka daw ng panalangin na iligtas ang mga nakasakay don kesa sa ikaw ang isinusugod para lapatan o dugtungan ang nalalabing hininga.
Ang ambulansiya ay sasakyang espesyal
dito hitetch ang ambulansya! oo nga nakakatakot...kasi baka di ka umabot dun sa patutunguhan mo...
TumugonBurahinang unik naman ng post mo...base ba ito sa karanasan mo?
ilang bes na ko nakasakay sa ambulansya. nakakakaba. nakakatakot. malungkot.
TumugonBurahindi pa ko nakakasakay ng ambulansya. Kahit noong pumutok ang appendix ko. Gusto kong maranasan sa too lang ang sumakay dito.
TumugonBurahinPero oo, nakakatakot nga.
ambulansiya...
TumugonBurahinnoong bata ako nae-excite ako pag nakakarinig ako ng wan-wang ng ambulansiya.. pakiramdam ko kasi isa syang eksena sa pelikula na nag aagaw buhay ang bida pero syempre masasagip ang buhay nya.. :)
pero tama ka, parang may hatid na pangamba ang sumakay sa ambulansiya.. nakasakay na ko dun kasama ang tatay ko na binawian na din ng buhay sa ambulansiya.. :(