Pangarap ko dati na maging isang sasakyan na panglupa na lamang dahil walang damdamin, hindi nasasaktan kahit ibangga sa kung saan-saan. Dinadala na lamang sa talyer upang ipaayos sa tuwing nasisira. Kahit sino pwedeng gumamit basta may lisensya. Pwede rin sumakay ang kahit na sino basta may pamasahe. Titigil kung inaapakan ang preno. Maaring bilisan maaari ring bagalan. At kung ito naman ay nabahiran ng dumi dadalhin mo lamang ito sa car wash upang linisin.
Pero ang tanong ko, "kung ako ba ay magiging sasakyan at ikaw ang may hawak at magmamaneho ng manibela nito ibabangga mo ba ako sa pader ng kabiguan?"
ibig sabihin, hahayaan mo ba ang sarili mong manduhan ng iba, kahit na nahihirapan ka.. sa aking pagkakaintindi, ganon ang isang bagay katulad ng sasakyan. Ang nagmamaniobra ang nasusunod. Kahit hindi nais ng nagmamaniobra, pag may sira sa sasakyan, maaring aksidente ang manyari. damay ang lahat ng sakay nito.. wlang may gustong mangyari
TumugonBurahinmagandang araw sayo parekoy..
Kaduwagan man kapatid kung maituturing ito pero oo dumating ako sa punto na gusto kong hayaan nalang ang ibang tao na manduhan ang buhay ko. Pero maganda nga naman ang mabuhay maraming mga bagay ang nangyayari na kung lagi tayong nakatuon sa mga negatibo hindi natin namamalayan na balanse lang pala ang lahat.
TumugonBurahinMagandang araw parekoy, maraming salamat sa pagbisita dito
ang hirap ng tanong. kainis.
TumugonBurahinKung ako ang driver, mababangga lamang ako kapag ako'y naging pabaya.
'Yon lamang po at magandang araw