Miyerkules, Marso 23, 2011
ANG TAKBO NG PUSO (baduy mali-mali naman)
Ang pagtakbo ay mahahalintulad sa tuwing ikaw ay nagmamahal. Nakakaramdam ka ng pananabik sa umpisa. Napakasarap, sobrang sarap sa pakiramdam. Lahat ng nangyayari ay may MAGIC. Ngunit sa kalaunan makakaramdam ka na ng pagkahapo at sakit. Papasok sa isipan mo na dapat ka nalang tumigil at sumuko. Pero kung ang nasabing pagod at sakit ay iindahin, walang mangyayari. Maari ka namang magpahinga sandali hihinga ng malalim. Pagkatapos, magmahal ka muli. Siguradong sa pagkakataong ito masisiyahan ka na naman. May magic na uli. Yung pagod at sakit na naramdaman mo sa umpisa ay nalagpasan mo na. Tiyak hindi mo na iindahin ang mga iyon. Sasabihin mo nalang sa iyong sarili "napakasarap magmahal di na ako titigil pa".
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Tama!
TumugonBurahinMakapangyarihan ang isip sa lahat ng pagkakataon.
Kapag inutusan mo itong umayaw o sumige, magaganap, kahit na pag-ibig pa ito.
Ang pag-ibig ay isang art para sa akin. The more na may passion ka, mas maganda ang lalabas na obra na inihalintulad mo naman sa pagtakbo.
Tama Jkul napakamakapangyariahn nga naman ng isipan, kaya nitong idominate ang lahat ng ginagawa at gagawin mo pa lamang.
TumugonBurahinGusto kong makagawa ng isang napaksgandang obra na yari sa pag-ibig
Naiisip ko lang ang tungkol sa bagay na ito kanina lang umaga habang tumatakbo ako, unang sampung minutos pa lamang ay hiningal na ako at sumasakit na ang paa ko kahit halos araw-araw ko itong ginagawa. Aayaw na sana ako pero pinilit ko pa rin hanggang sa di ko namalayan isang oras na pala akong tumatakbo ng walang nararamdamang pagod at sakit sa paa