Martes, Marso 29, 2011

ANG INIT NG KATAWAN AY HINDI NADADAAN SA LIGO LAMANG

Hindi ko alam kung ang gawaing ito ay makatulong sa panukalang RH Bill. Kinasanayan ko na kasi simula pa noong ako ay nasa kolehiyo palamang ang tumakbo tuwing umaga. Isang pamamaraan ko ito upang matanggal ang alibadbad sa aking isipan. At para na rin maalagaan ang kalusugan. Isa ang pagtakbo sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang malulubhang sakit. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan ay napanatili ko ito. Lalong lalo na at patok na patok ngayon ang mga "fun runs".

Sa dami ng nahuhumaling dito ay biglang umiinit ngayon na libangan ang fun run. Halos linggo-linggo ay mayroong ganitong nagaganap. Kasing init ito ng panukalang RH bill na naisipan kong gawan ng tagline "BETTER LOTION THAN POPULATION EXPLOTION" na kasalukuyang pinag-uusapan sa kongreso at senado. At dahil bobo ako. Hindi ko tatalakayin ang tungkol dito masyadong sensitibo ito. Marami ang nagtataasang kilay kapay ito ay pinag-uusapan.

Kamakailan lang, aking napagtanto na ang pagtakbo ay maaring makatulong upang hindi na tataas pa ang populasyon ng ating bansa. Hindi natin maiiwasan na tumataas ang libido natin sa katawan. Kaya kadalasan sa mag-asawa, si misis ang napagbabalingan ni mister. Kaya ayun may panibagong bunso na naman. At sa mga binata naman si Marian Palad ang libangan. Pupunta sa banyo at magtikol. Madalas sa kumot na nga lang. Papatay na naman ng walang kamalay-malay na bata na maaring maging presidente balang araw.

Minsan ang init ng katawan ay hindi nadadaan sa ligo lamang. Kailangan mo itong ilabas. At total mapapagod ka rin lang naman kung sisiping ka kay misis na maaring ang kahahantungan ay ang panibagong bunso nga. O ang magtikol na tila pupulikatin ka para lang ilabas yang init sa katawan mo. Bakit hindi nalang subukang tumakbo sa tuwing nakakaramdam ka nito. Pagpapawisan ka rin lang kaya tumakbo ka na lang.

4 (na) komento:

  1. Healty para sa isang tao ang pagtitikol... mas mabuting paraan para mailabas ang init na nararamdaman. Mas mabuting gawin ito lalong lalo na sa mga binata kesa humanap ng kapareha at baka pa makabuo ng bata. :)

    Uso nga ngayon ang Fun Run, dito lang sa Area namin, ilang funrun na din ang aking nakita. Takbo para sa kailakasan ang malimit na tema..

    magandang araw syo sir

    TumugonBurahin
  2. Awtssss.

    Wala bang ibang paraan?

    Pwedeng pwede ang suhestiyon mo, ang punto mo dito ay 'yong kaabalahan ng katawan para hindi makaisip ng pagtatalik.

    Sa puntong pagsasalsal, lahat yata ng walang partner na lalaki, kung hindi man lahat, 99.9 percent ay nagsasalsal, mahirap buwagin 'yan.

    Lol

    TumugonBurahin
  3. @ banjo, sir naliwanagan ako hahaha nakilimutan ko ang itinuro sakin ng aking mga guro nung ako ay nasa hayskul pa lamang. Pero kung ang pagtitikol ay ginawagawa ng bisyo at libangan hindi na ito maganda sa kalusugan lalong-lalo na kapag tatlo hanggang limang beses itong ginagawa sa loob ng isang araw.

    Ang fun run para sa kalikasan ay hindi ako naniniwala dyan. Hindi mo kailangan tumakbo para sa kalikasan. Kaya mong tulungan ang kalikasan sa simpleng pamamaraan. Para sa kalikasan ang tema ng takbuhan tapos kung makapagtapon ng mga plastic cups sa mga inihandang water stations sa nasabing kaganapan ay walang pakundangan. lahat na yata ng sinalihan kong takbuhan na kalikasan ang tema ay iisang eksena lamang ang madalas nakikita at ito taliwas sa hinahangad na kabutihan.

    TumugonBurahin
  4. @Jkul Maraming paraan Jkul maraming- marami. Sa kahit anong paraan basta ang mahalaga mayroon kang mapapala para naman maging makabuluhan.


    Mahirap na ngang buwagin ito dahil sa pagtitikol dito mo maangkin ang kahit na sinong babae ang nais angkinin. Sa marahas man o sa magandang pamamaraan bahala ka na. hahaha
    Pero balita ko masarap daw talaga ang mga babae kaya pati sila nagtitikiman na. Ito ang dahilan kaya hindi mabubuwag ang pagtitikol kailanman.

    TumugonBurahin