Ang pamagat at laman nito ay sarili kong bersyon sa narinig ko sa Top 10 ng The Morning Rush ni Chico Garcia and Delamar.
Sa araw-araw na ginawa ng Panginoon, dalawa hanggang apat na beses akong sumasakay ng pampasaherong dyip. At sa araw-araw na laman ako ng pampublikong sasakyan na ito ibat ibang klase ng tao. Ibat ibang pangyayari. Ibat ibang istorya. Ibat-ibang tsuper. Pero may isang kumon na salita akong sinasabi, ARTE MO/NYO!OGAG! Ito ang ilan sa mga tumatak na tagpo:
1. MAPANGMATANG ALE - Papasakay lamang ako nakita mo agad ako, sinundan mo ako ng tingin hanggang sa makaupo ako. Tinignan mo ako mula ulo hanggang paa at di ka pa nakontento bumalik pa ang tingin mo pataas hanggang sa magkatitigan tayo. Mukha akong gusgusin sa iyong paningin. Mukhang mandurukot. Tinaasan mo ako ng kilay sabay tago ng telepono mong Blackberry sa dala mong bag at isinukbit mo ito sa iyong balikat hudyat na nagdududa ka sa'kin. Sa puntong ito tinanong kita, bakit mam? Kamukha ko ba yung nandukot sa'yo? kung makatingin ka kulang na lang ipagsigawan mong mandurukot ako. ARTE MO! OGAG!
2. KONYONG ESTUDYANTENG BABAE - Malaporselana ang iyong kutis halatang laking aircon. Pagkasakay mo palang kilatis na agad kita. Mayaman ang iyong angkan at mukhang may respeto ka sa bawat tao sa dyip. Pero nung nagbayad ka ito ang iyong sibnabi "Mamang driver here is may bayad estujante po". Oo "j" talaga pagkabigkas mo. At di ka pa nakontento nung bumaba ka ang sabi mo pa "mamang driver para po jan sa corner". ARTE MO! OGAG! Oo nga't bata ka palang salitang Ingles na ang tinuturo sa'yo ng magulang mo dahil mayaman nga ang angkan n'yo pero hindi ba itinuro sa'yo ang kahalagahan ng salitang sariling atin? Oo nga't madalas Ingles ang gamit n'yong salita ng iyong mga kabarkada tuwing kayo ay nagkikita. Pero mahalaga pa rin ang pagsasalita ng tuwid na tagalog lalo kapag ikaw ay nasa pampublikong lugar.
3. TATLONG CALL CENTER GIRLS - di naman maikakaila na mga callgirls kayo dahil sa ang laki ng logo na nakalagay dyan sa id lace n'yo. Pero ang mag-usap kayo gamit ang salitang Ingles sa pampublikong dyip ay hindi kaayaaya. Oo na, magaling na kayo pero nakalimutan nyo po yata ang sinabi ng mga matatanda na "kung saan kayo magaling, gamitin ito sa magandang bagay na makakatulong at hindi magpahamak ng kapwa". Ingles nga kayo ng ingles pero ang pinaguusapan n'yo lang naman ay puro tsismis tungkol sa mga kaopisina n'yo. Hindi batayan ng pagiging matalino ang husay sa ingles dahil marami sa atin ang hindi nakapagaral pero maalam sa salitang banyaga. Maaring isa itong ugali nating mga pilipino na gusto ng ibang lahi madali tayong kausapin dahil sa kaalaman natin sa madaming lingwahe. Pero kung gusto n'yo lang ipaglandakan na nasa call sinner kayo nagtatrabaho, ANG ARTE N'YO! OGAG!
4. ATE NA BAGONG TUWID ANG BUHOK - Pagkasakay ko pansin ko agad yung tuwid mong buhok ate, tinignan kita at napansin mo akong tumingin sa'yo. Pagkatapos noon wala ka ng ibang ginawa kundi hawiin ng hawiin yang buhok mo. Sa ginagawa mo halos lahat ng taong nasa dyip ay napansin ka na. Yung ilang babae pa nga nagtaasan na ang kilay dahil sa ginagawa mong pagyayabang lang naman sa tuwid na tuwid mong buhok. Nung bumaba yung katabi ko lumipat ka ng upuan at tumabi sa'kin. Hindi ko alam kung nanadya ka dahil sa pagkakaiba ng buhok natin. Sa lakas ng hangin at kabilisan ng takbo ng dyip hinahampas hampas na ng buhok mo yung mukha ko. Sa una di ko pinansin pero makailang beses nangyari ang ganung tagpo. Hinahawi mo pa lalo yang buhok mo para matamaan talaga ako. Pumalag ako. Sabi ko sa'yo ARTE MO! OGAG! Ikaw kaya hampas-hampasin ng dreadlocks ko? Natakot ka yata at ayon itinali mo na ang iyong buhok.
5. ATE NA NAKA MINISKIRT NA TILA PAMALO NG DALAG ANG HITA - Ate naman may salamin naman siguro sa bahay n'yo. Hindi ko naman sinasabing nakakasama sa pagkatao mo ang pagsuot ng mini skirt ate. Hindi ako nangingialam doon. Ang akin lang naman, kung gusto mong matatakpan yang malapamalo ng dalag mong hita hanggang tuhod ay huwag na huwag ka ng magmimini skirt. Pakiusap lang. Hindi yung hilahin mo ng hilahin yang suot mo na tila gusto mo yatang umabot pa yan hanggang tuhod mo. Hindi ko alam kung nahihiya o naiinis ka sa'kin dahil napatitig ako sa hita mo. Nahihiya dahil nakikita ko yung anino ba yan o sadyang maitim lang yan kasuluksulukan mo dyan. Naiinis ka dahil nakita ko ang tinatago mo. ARTE MO! OGAG!
6. MANONG MANDURUKOT - Ang aura manong ramdam ko na, pagkapasok ko pa lang ng dyip. Ikaw yun, may gagawin kang hindi maganda. Hindi naman sa nanghuhusga ako. Medyo namumukhaan lang kasi kita e. Galit pa yung titig mo sa'kin nung sinulyapan kita. Marahil nakasabay mo na rin ako minsan? O naghihinala ka rin sa'kin? Na isa ako sa mga katulad mo. May kompetisyon ba? O di kaya tingin mo sa'kin mukha akong pumapalag. Manong nagmamasid lang ako, kung sa'kin mo gagawin natural papalag ako. Pero sa iba mo gagawin manunuod lang ako. Pero nakita mo akong nakatingin sa ginagawa mo nag-aalangan ka. ARTE MO! OGAG! Pinapanuod lang kita kung papaano mo gagawing dukutan yung estudyanteng taga San Beda Alabang. Hindi mo na itinuloy ang masamang balakin dahil nga nakatingin lang ako. Bago ako bumaba ng dyip binulungan kita "Manong ang hina mo". Nagpantig siguro ang tenga n'yo sa narinig galing sa'kin. Wala kang imik. Tinitigan mo lang ako ng masama. Pero kung kailan nakababa na ako saka mo ako tinuturo. Akala mo siguro natatakot ako. Binalikan ko yung dyip na hindi pa tumakbo. Hinamon kita na bumaba ka pero hindi mo ginawa. DUWAG MO! OGAG!
7. MANONG TSUPER - Alam ko naman po na naghahanap-buhay ka. Sana alam mo rin na naghahanap buhay kami. Ang siste kasi gusto mo lang kumita, bawat kanto hinihintuan mo. Pati yung mga naliligo pa sa mga bahay nila ay balak mo pa yatang hintayin. Ayus lang naman sa'kin dahil kaya ko naman na magtimpi sa mga katulad mo iniintindi ko kayo. Dahil sa marami yata kayong pamilyang binubuhay. Naiintindihan ko manong. Pero bakit ang mga pasakay lang na pasahero ang inaasikaso mo. Bakit yung mga pababa kahit nakailang para na ay tila wala kang naririnig. At kung sumigaw na sa galit sasabihin n'yo lang bawal magbaba dyan. ARTE MO! OGAG! Tangina ka! Yung mga kantong pinaghihintayan mo ng pasahero alam mong bawal magbaba at magsakay pero halos abutin ka ng 30 minutos sa paghintay ng pasahero. Hindi ba sumagi man lang sa isip mo na bawal doon magsakay at magbaba? O sadyang ganid ka lang? Tapos nung napuno na yung dyip mo dumaan ka pa ng gasolinahan para magpakarga. Tangina ka pala alam mong babyahe ka bakit di mo pinakargahan muna yang sasakyan mo. Ay pasensya na! Nagalit ako hindi ko naiisip baka hindi pinakargahan ng nirelyibuhan mo yang dyip na minamaneho mo. At naubos rin ang gasolina sa kakahintay mo ng pasahero. Gago ka kasi!
Mababaw lang kung maituturing ang mga bagay na ito. Maraming bagay akong dapat inaasikaso at pinagtutunan ng pansin. Pero karamihan sa'tin ay naranasan rin itong mga naranasan kong ito. Pero bakit nga ba may ganito pa sa huli? ANG ARTE MO JOEY! OGAG KA!
Ang arte mo Joey Velunta, Ogag kang tunay at wagas. Ahahahah.
TumugonBurahinGustong gusto ko ang eksena sa aking lipunan. Masarap pagmasdan, nakakahiwa man ng pakiramdam, This is life..this is the Filipino way.
Ogag ka kuli. yes na yes
una, sumakit mata ko sa page mo, sori nag iinarte lang! pero di po ako ogag... nakakarelate ako sobra, nakakainis yung panghuli, ganyan kasi minsan nasasakyan ko. lahat ng poste tinigilan, yung mga empleyado sa isang kumpanya balak pa ata hintayin ang labasan...
TumugonBurahinepic! hehe
http://mokong2007.blogspot.com/2011/03/morning-rush-227-statements-that-make.html?utm_source=feedburner&utm_medium=feed&utm_campaign=Feed%3A+blogspot%2FNSPm+%28Mokong%E2%84%A2+%28Anu%27ng+Nasa+Isip+Ko%3F%29%29
TumugonBurahinpareho kayo :)
Jkul sagad na to ser! ogag na ogag!. Tama Filipino life ika nga. Ito ang mamimiss mo kapag nasa iabng bansa ka.
TumugonBurahinJhengpot pasnsya at nag iinarte lang ako sa blog ko. Color blind kasi ako kaya contrast ang kulay hahaha.
TumugonBurahinYan yung orihinal na bersyon. Sa radyo naman itong sa kanya. The morning rush sa RX nila Chico and delamar
napakamakabuluhanng post, arte ko, ogag!
TumugonBurahin