Ang nais ko lang ay handugan ka ng isang awitin sa aking pagdating. Nasa dyip pa lamang ako ay kinakabisado ko na ang kanta. Nakailang ulit ko rin pinakinggan ang kanta ngunit mahina talaga ang aking memorya. Hanggang sa nakababa nalang ako sa dyip ay hindi ko pa rin ito nakabisado. Bumili muna ako ng pisbol sa kanto para mag-ipon ng lakas ng loob. Alam mong salat ako sa talento sa pag-awit. Pero akin pa rin itong ipinilit.
Sa aking pagbungad natanaw kitang nakaupo sa may malapit sa bintana. Naramdaman mo na ang aking pagdating. Inumpisahan ko ang baybayin ang mga salita sa awiting aking kinabisado. Nagalit ka. Sabi mo tumahimik ako. Baka magalit ang mga kapitbahay natin. Hindi kita pinakinggan sa iyong sinabi. Samakatuwid itinuloy ko pa rin ang pag-awit. Sabi ko
"ikaw at ako pinag-isa.
Tayong dalawa may kanya-kanya.
Sa isat-isa tayo ay sumasandal.
Bawat hangad kayang abutin.
Sa pangaba'y di paalipin.
Basta't ikaw ako tayo magpakailanman.
Kung minsan ay di ko nababanggit, pag-ibig ko'y
di masukat ng anumang lambing."
Sa halip na ikaw ay matuwa sa ganda ng mensahe, nagalit ka pa lalo. Kaya tumigil na ako si aking pag-awit. Pumasok na lang ako sa loob ng bahay na bagsak ang balikat. Hindi mo man lang binigyan ng papuri ang aking inaalay na awitin para sa'yo. Noong nasa higaan na tayo. Nagdrama ako. Sabi ko sa'yo nakakinis ka hindi mo man lang binigyan ng halaga ang aking pag-awit. Pero sagot mo "akala ko nambubulahaw ka lang". Umiyak ako. Sabi ko sa'yo kinabisado ko pa naman yun. Nais ko sanang ulitin ang pag-awit ngunit nakalimutan ko na ang mga linyang nakapaloob sa awiting iyon. Kaya kinuha ko yung ipod. Parehas nating ikinabit sa ating magkabilang tenga ang headset.
Kahit sintunado ay sinabayan ko ang pagkanta. Hindi ko namalayan dumadaloy na ang mga luha mula sa aking mga mata. Nagkatitigan tayo. Pinunasan mo ng iyong mga kamay ang aking mga luha habang patuloy akong humikbi. Hinalikan mo ako sa pisngi. Nangako ako sa'yo na tuwing dadating ako kakantahan kita. Ayun napako na naman ang aking pangako. Nandito pa ako sa opisina at tinatapos ang trabaho. Pero wag ka mag-alaala kahit tulog ka na sa pagdating ko. Aawitan pa rin kita. Sa pagkakataong ito kabisado ko na. Pinagpraktisan ko ito mula pa kaninang umaga.
it is a very nostalgic way of courtship..pusong nagmamahalXD
TumugonBurahinOh eh ikaw na ang may nilalambing. ikaw na ang karinyoso, mr romantiko.
TumugonBurahin:)
Ang sarap maglambing lalo na kung kunyari suplado ka sa personal pero pag kayong dalawa lang, isa kang alipin ng pag-ibig. Aleluya.
Jkul, Ang sarap magpakaalipin ng pag-ibig. At ang pagiging kabalyero ng pagmamahal. Nais kong masubukan ang yang pagiging suplado sa personal hahaha
TumugonBurahinPen Sonata isang maganda paraan ito ng panunuyo at pagpapahayag ng pagmamahal kahit sintunado basta mula sa puso ay nagiging makabuluhan ang pag-ibig na inalay
TumugonBurahin