Miyerkules, Enero 5, 2011

STALKER

Ang sarap pala magstalk ng mga dating crush lalo yung mga mababa ang tingin sayo dahil sa itsura mo. Tunay nga bang lumilipas ang kagandahan? o sadyang wala pa akong nakitang tunay na maamong mukha nung araw. Maaring nakatulong ang pagiging isang manlalakbay at ang pagigig mandidrigma sa hamon ng buhay. Kaya ngayon taas noo kong sasabihin "DI NAMAN PALA KAYO MAGANDA, NAGFEFEELING LANG KAYO KASI MAS ANGAT ANG ITSURA NYO SA NAGKAKAGUSTO SA INYO SAKA AKALA KO LANG PALA YUN MAGANDA KAYO :)))".

7 komento:

  1. ahuh.. yan ang tipong pasosyal effect.. laging nakatabi sa hmmm panget haha... para mas umangat.. maaring noon madalas lang natin sila makasama o makita kaya sa kanila nahuhulog ang ating paghanga... hahahaha

    TumugonBurahin
  2. bossing!!! unang una maraming salamat sa pagdaan. Tagus pusod este taos puso po akong nagpapasalamat dahil ikaw ang kaunaunahang nag-iwan ng puna at pangalawa dahil ikaw ang pangalawang naging tagasubaybay ko. Maraming salamat bossing, di ko mawari ang pagsisidlan ng aking tuwa at galak na kasalukuyang naramdaman. Maraming maraming salamat!

    Sadyang malaki ang naitutulong ng pagiging manlalakbay di lang upang makahanap ng mga maamong mukha kundi pati na rin sa pakikibaka sa buhay at di tayo nakakulong sa ating kinasanayan

    TumugonBurahin
  3. apirr! hindi ko alam kung bakit merong mga taong ganun. aanhin mo nga naman ang magandang muka, kung ang bulak naman ang ugali. :)

    TumugonBurahin
  4. Batang G :D ang hirap nga intindihin eh, minsan nga sinisisi ko na sarili ko kung bakit kumupas na agad ang akala kong taglay nilang kagandahan kasi pakiramdam nila ganun na sila kaganda kasi may nahuhumaling sa tinataglay nilang iyon kaya di na sila nagsusumikap na pagandahin pa ang kanilang mga sarili at nakontento nalang sa ganong siste..:D

    Maraming salamat sa pagdalaw at pag-iwan ng puna :D

    TumugonBurahin
  5. Parang bitter herb ampalaya mode naman ito pareng Joey.

    Ahahahah.

    May munti akong pagninilay dito.

    Hindi na baleng pangit, kasi kapag pumangit,walang masyadong pagbabago/pandagdag lait, eh yong may magandang mukha, kapag pumangit, parang katapusan na ng mundo ang kabiguan. pramis

    TumugonBurahin
  6. Teka lang, marahil lagpas na sa isa ang natutunan ko sa'yo Jkul, ayaw na kitang tawaging kapatid.Maaari bang sir nalang? Sige na pumayag ka na. Promise di yun masakit.

    Medyo may pag bitter amlpalaya ng kaunti. May tanong ako, ito bang sinasabi mong "parang katapusan na ng mundo ang kabiguan" na ito dinanas mo na? Dati kang magandang lalaki na pumangit? o magandang lalaki lang period. Ako kasi di sa pagmamayabang gwapo ako noong araw na-Tipos lang at nagkaDengue ng sabay kaya ito ako ngayon hahaha

    TumugonBurahin
  7. Ayaw ko ng Sir, hindi naman ako guro, hayaan na natin sa mga guro ang Sir at saka sa mga boss. :)

    Ako si Jkul,hangal, suplado, maharot, tahimik, maingay, depende sa kausap. Nakadepende ako sa kausap Joey.

    usapang pisikal na anyo ito.

    Nakadepende pa rin sa tumitingin.
    Mayrong pangit ang tingin sa akin, meron namang gustong magpaanak kung makapuri, parang ganyan. Ngayon bilang paglalagom sa ating usapan, ang tingin ko sa aking sarili ay isang ordinaryo lamang, hindi ka mapapalingon, kailangan mo munang silipin ang aking atay at bituka para masabi mong, MUKHA NAMANG TAO, bakit kulisap kaya 'yon.

    Hehehehe. Umantak lamang ang karakter ko ng makahithit ako ng alikabok sa EDSA.

    TumugonBurahin