Miyerkules, Enero 12, 2011

HINAHANAP-HANAP AT HAHANAPIN

isang pagkakataong di inaasahan
sa may kanto ikay nadaanan
at ang sarili ko ay di napigilan
sarap ng iyong lasa ay aking natikman

at magbuhat nuon sarap mo'y lagi ko ng inaasam
ngunit lingid sa aking kaalaman
yun na pala ang una at huling pagkakataon na ikay matikman
sana ay di ka manatiling maging pangarap
naway ang lasa mo't sarap ay muli kong malasap

sa kantong iyon ikay laging aabangan
at sa iyong muling pagdaan
siguradong derecho ka na sa aking lalamunan
na may kasmang maanghang na sawsawan

3 komento:

  1. kung hindi fishball yan parekoy eh, kwekkwek hahaha

    gandang araw parekoy

    TumugonBurahin
  2. Hahaha pisbol nga parekoy, langya kasi di na nagpakita sakin yung pisbol na yun eh nakakapanabik tumutulo laway ko pag naiisip ko lasa nya hahaha

    TumugonBurahin
  3. Kwekwek.
    Kwekwek.

    Hindi lalampas ang isang linggo na hindi ako pwedeng tumikim niyan.

    Pero sa bahay ko kinakain, tapo ipapainit ko na lamang.

    Naglalaway ako.

    TumugonBurahin