Linggo, Enero 1, 2012

DOON

gahibla lamang ng buhok ang pagitan
ng pagbubukas at pamamaalam
binulabog ng putukan
ang inaantok na diwa ng kapaligiran

gahibla lamang ng buhok ang pagitan
ng pagbubukas at pamamaalam
sa aking balintataw
kulay abong usok ang pumukaw

gahibla lamang ng buhok ang pagitan
ng pagbubukas at pamamaalam
mga agam-agam sa hinagap
ang s'yang nais pumigil sa mga pangarap

ang ngayon ay ang bukas
na nagpupumiglas sa dalit ng kahapon
at ang pangarap ay ang bukas
na nagpupumiglas sa dalit ng agam-agam
sa gahibla ng buhok na pagitan
ng pagbubukas at pamamaalam

4 (na) komento:

  1. dumugo ilong ko hehe...

    "ang ngayon ay ang bukas"

    TumugonBurahin
  2. gahibla lang ang pagita.. ansave??? hehe anlalim mo boss!

    TumugonBurahin
  3. parang ang ganda ng meaning nito. sarap basahin eh.

    TumugonBurahin