Lunes, Enero 2, 2012

2012

dumating kang ganap
kasabay ng ingay at mga
kumukutitap na palamuti
sa kalangitan,
ilang oras bago sumapit
ang bukang-liwayway

ako nama'y nilisan
ang isang makulay
na kabanata
upang silayin ka
ng buong galak
at yakapin ang buo
mong kahubdan

saglit kong pinahiran
ng tingin
ang misteryoso
mong anyo
habang binabagtas
ng aking isipan
ang kailaliman ng
dala mong pahiwatig

di man arok at tiyak
ako'y magtatampisaw
ako'y lalangoy
at aking lalasapin
ang iyong dulot

10 komento:

  1. uhm.. wala na bang mas lalalim dito? hehe peace po.. isa ka talagang makata!

    TumugonBurahin
  2. spell D-E-E-P?!

    nice..nice..nice! pero ito lang naman talaga yown eh - Happy New Year! :D

    TumugonBurahin
  3. happy new year sir joey!
    astig ka pala eh, mumamakata ka rin~
    ang lalem. di ko malangoy.

    TumugonBurahin
  4. parang may pagka-el 'yung tula mo, pre. lol! hapinuyir na lang! \m/

    TumugonBurahin
  5. ahahahaha Sir Lio alam na gad. dadahilan lang ang New Year pero yun talaga yun. wahahaha.

    TumugonBurahin
  6. tao po???...dumaan at nakibasa.

    rolynjane54.blogspot.com

    followed you. hope you could follow back, and exchange links with me. :)

    TumugonBurahin