Martes, Enero 24, 2012

PAGLAKAKBAY SA HATINGGABI

nilangoy ng balintataw
ang kadiliman
ng hatinggabi
hanggang sa marating
ang laot
na kinaroroonan
ng kastilyo ng diwa.
sarado't nakakandado
man ang bintana
ng kaluluwa
ay pilit pa ring
dinudungaw tangan
ang pag-asang
ito'y magbubukas.
habang bumabaon
ang mga tinik
ng simoy ng hangin
ay dahan-dahan ding
kumakalat sa buong
kalamnan ang pait
ng kabiguan

nilakbay ng balintataw
ang kadiliman
ng hatinggabi
sa saliw ng pakupas
na ningning
ng mga bituin
sa kalangitan.
kabundukan at malawak
na kapatagan
ang dinaanan
hanggang sa marating
ang lihim na batis
na kinaroonan
ng panandaliang ligaya.
bagong sibol
na mga damo
ang pumapalibot
marahang agos
ng kumikinang
na kristal
ang nang-aakit,
nakakadarang.
sa pagtatampisaw
ay damang-dama
ang init na pinangarap.
dagliang natunaw
ang pait at
lumutang ang ginhawa
kaya mananatiling
magtampisaw
hanggang sa pagpikit
ng mga bituin

5 komento:

  1. malalim... halos di ako makahinga.... pero maganda....

    TumugonBurahin
  2. makatlong ulit binasa ni Marikit... naglakbay din ang aking diwa habang ito'y binabasa, maaring bukas o makalawa ay higit na maunawaan ang nais iparating ng naglathala...

    Ngunit sa aking balintataw ay may pilit na lumilitaw na kakaibang ilaw...

    TumugonBurahin
  3. parang cycle ng bawal na pag-ibig lang...

    patago at kukunin mo na kahit kapirasong sandali para lang makasama yung tao...

    sa huli, masakit pa rin kasi nga hindi naman siya tuluyang mapapasayo

    --- kung anu ano na lang naiisip ko :))

    TumugonBurahin
  4. tumutulo sipon ko sa kalaliman! haha

    ayan nafollow na kita!

    :))

    TumugonBurahin