Lunes, Hulyo 29, 2013

DEAR BLOND NA ATE NA NAKA-SOMBRERONG ITIM, NAKA-SLEEVELESS NA BLUE AT NAKA-PEKPEK SHORTS

Una sa lahat, magandang araw sa 'yo. Kamusta ka na? Sana ay nairaos ninyo ng burgis mong syota ang libog at init ng inyong mga katawan nitong mga nagdaang araw. At sana ay nairaos ninyo ito sa isang tahimik, pribado at malamig na lugar.

Dito ko na lamanag ibuhos ang pagkadismaya, pagkaawa at katanungan ko sa 'yo tungkol sa mga nasaksihan ko dalawang araw na ang nakararaan. Pumasok ako sa saradong lugar na iyon na bukas ang isipan. Inaasahan kong sa loob noon ay mayroong alak, yosi, malakas na tugtog, mga kumikislap na mga ilaw at mga kababaihang may mga seksing kasuotan. Pati kantahan at sayawan –sayawang may kasamang pang-aakit sa kapareha. At syempre ang patagong halikan at hawakan. Pero hindi ko inaasahan ang laplapan at ang kung anu-ano pang kababuyan.

Noong pumasok ako, una kong napansin ang grupo ninyo dahil medyo may gaslaw ang iyong bawat galaw. May isa pa nga sa inyo na sumasayaw na nag-dodouble step. Noong una, napa-wow ako. Pero nang maglaon, ang patago ay naging bulgar at wala na kayong pakialam sa iba pang mga taong naroon.

Ayus lang naman ang mapang-akit na sayaw sa mga ganoong lugar. Siguro? Pero ang i-perform ninyo ang iba't-ibang posisyon ng pagsisiping (masyado yatang pormal ang salitang pagsisiping dahil kombinasyon ito ng malisya at pagmamahalan samantalang ang inyong ginawa ay kalibugan at bastusan) katulad ng dog style at helicopter style, nang paulit-ulit. May ilang pumuna pero hindi hayagan. Idinaan sa mga bouncers at waiters pero wa-epek. Malakas yata yung dyowa mo doon, parokyano na. Gusto kong lumapit pero tiyak gulo yun kapag ginawa ko. Kaya lumayas na lang ako at dinurog ko na lamang sa aking isipan ang pagmumukha ng kupal mong dyowa. Pero hinintay ko talaga na pumalag ka eh, kaso wala. Nag-eenjoy ka pa nga yata.

Hindi ako nalilibugan sa kaburgisan ninyo ate. Nanggigil ako sa galit doon sa dyowa mo at nachi-cheapan at naawa ako sa 'yo. Bakit hinayaan mong gawin 'yon sa 'yo? Sa publikong lugar pinayagan mo s'yang lamutakin ang matarik mong dibdib, himasin ang makinis mong tiyan at hita. At ang malala, hinayaan mo s'yang ipasok ang kanyang kamay sa loob ng iyong pekpek shorts? Bakit ate? Dahil ba ibinigay n'ya sa 'yo ang lahat ng materyal na bagay na pinangarap mo. Nakapagpadala ka ng pera sa mga kamag-anak mo dahil sa kanya? Ops! Sorry! Masyado na kitang hinuhusgahan. Hindi 'yan ang ipinupunto ko.

Sa bansa natin ate, maraming kababaihan ang patuloy na nakikipaglaban at nagsusulong ng karapatan ng kababaihan. Pero ikaw, bakit? Di mo ba alam na sa ginawa mo ay magkakaroon pa ng pagkakataon na tratuhin ng gagong yan ang iba pang kababaihan natin katulad nang pagtrato sa 'yo? Masyado mo lang pinapaliit ang tingin nila sa kababayan natin. Hindi ko alam kung tamang sabihin kong hindi ko sila masisisi. Pero ang natitiyak ko lang na mali ay ang hindi ko pagpalag at makinood na lang din. Nasa Pilipinas s'ya, sa bayan natin pero kinupal tayo.

P.S.
Hindi nababastos at namamanyak ang ilang mga kababaihan dahil sa kanilang kasuotan. Mayroon lang talagang likas na manyak at bastos kaya may namamanyak at nabastos. Pero palag-palag rin pag may time ate!
P.S. Ulit
Kung alak man ang s'yang dahilan kung bakit kayo naging exhibistionists, maari bang huwag na kayong tumoma kung hindi ninyo kayang pigilin ang kapangyarihan nito na mapunta sa inyong isipan?

Ang nagdiriwang ng kaarawan,
JoeyVelunta

25 komento:

  1. hyyy... I feel you... May mga babae talagang ganyan. Gusto nilang igalang sila pero sila rin naman ang gumagawa ng mga bagay para hindi ibigay sa kanila ang ganun... Tsk...

    Siguro nga ay bahagi na ng modernisasyon. Hindi lang masyadong akma sa kultura natin.

    Baka naman basag at wasak sa kung ano sila ate at kuya... tsk

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Marami naman sa sigurong tao ang bukas na ang pag-iisip tungkol sa bagay na ganito dahil doon lang din tayo pupunta eh. Pero yung respeto talaga ay totoong nagsisimula sa sarili.

      Siguro nga wasak na sila sa kung anong pampawasak ng isipan hahahaha

      Burahin
  2. 'pag ako nakakita ng ganyan, papalakpak ako.. hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahahaha gusto ko na nga lang pumalakpak sa galit sir eh o di kaya makisali nalang sa kanila hahaha

      Burahin
  3. True to life ba ito?
    Pakisamahan mo nga kami at kami nang magbibihis sa kanya ng tama. Haha.
    Ang angas ng post na ito sir, nakakasugat!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Oo sir totoong buhay ito. Pag ako nga manalo sa lotto bibilhan ko yun si ate ng maayos na damit baka magkasakit sa baga sa lamig :))

      Salamat sir.

      Burahin
  4. eh ganun talaga sa malamig, madilim ay hindi pala sa maraming christmas light na lugar.. dun ba un.. ahahahaha.. nalito na...

    Minsan kasi sila rin ang gumagawa ng rason para hindi sila irespeto at igalang.... :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahahahaha hindi doon madam, hindi na ako nagpupunta sa ganoong lugar.

      Burahin
  5. sir Joey un panahon ngayon ay karamihan ay mapusok at ang ilan sa kababaihan ay hindi na ganung nag iisip sa kanyang sitwasyon.
    nakakaasar lang tlga un mga ganun sitwasyon na hindi dapat at sa publikong lugar pa.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Siguro hindi lang ako sanay sa ganoo? Pero nakakapunta naman ako sa ibang-iba lang yung crowd sa mismong lugar na yun kumpara rin sa iba ko pang napuntahan. Ayus pa nga yung sa mga "patay-sinding" lugar eh, may sumasayaw lang at paisa-isang tinatanggal ang mga kasuotan pero walang bastusan.

      Burahin
  6. masyadong mapusok wahehe.. sarap kutusan. teka saan ba yang pinasukan mong gusali at nang makapasok din?

    madami nadin ako nakikitang ganyan. sa parking lot, elevator , at higit sa lahat sa server room namin dito sa office lol ! yung totoo pag may nakikita akong ganyan gusto ko sumigaw tapos bulabugin sila sa kung ano man ang ginagawa nila.. sabay takbo hehe..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ah eh, hindi pwedeng sabihin hahahaha.

      hahahaha siguro sir yang mga nakikita mong yan, sila yung nagsusulat sa pantasya.com dati ano? hahahaha

      Burahin
  7. Para sa kin okay lang naman sana.. pero ang maling mali dito.. ginawa nila free for public ang ginagawa nila. Yun lang. Sana hindi tumaas masyado ang presyon mo sir joey... At ngayon lang ako napadpad dito. Hindi ko rin alam bakit.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Di na rin ako nangialam kasi gulo yun eh, pero masakit kasi parang naapakan yung pride at dignidad ko na hindi man lang ako pumalag. Nasasayangan lang kasi ako sa efforts nung mga naghirap ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.

      Maraming salamat mam!

      Burahin
  8. dalawang bagay lang naman yan eh, masyado lang sigurong liberated yung mag jowa at well they just want to have some fun no cares if me taong nanunuod sa kanila, or sabog pareho sa droga kaya ganun na lang kalakas ang guts na gawin ang mga bagay na yun.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Katulad ng sinabi ko sa isang comment ko sa taas, hindi lang siguro ako sanay sa ganung asta. Yung bastusan ba. Kasi lagpas na sa limit ng expectations ko yun eh. Ayus pa yung minsan halikan at patagong kapakan, pero yung bulgaran hindi ko kinaya. Hindi naman siguro sa pagmamalinis itong mga sinasabi ko no? Ano lang siguro, di lang sanay, culture shock ba.

      Magandang araw po mam! At maraming salamat sa pagdalaw.

      Burahin
  9. Pinipilit kong isipin na fiction lang to... Pero hindi eh... Nakakalungkot na nangyayari pala talaga ang mga bagay na to in real life situations. Pero di ko pa rin ma-imagine. Shiz!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung fiction lang sana ito, e di mas maihahayag ko sana nang maayos. Kaso hindi. Ilang beses kong inisip kung i-publish ko ito o hindi na lang kaso mas nangingibabaw ang una. Mas mahinahon pa ito dahil nalipasan na ng ilang araw bago ko isinulat. Yung mga salitang una kong naisip pinalitan ko na dahil wala na yung galit, wala ng pagmumura.

      Burahin
  10. Ser-idol! Medyo madalas rin naman ako noon sa mga bars at clubs pero di pa 'ko nakakita ng ganito. Hanggang laplapan lang. Dalawa lang ang pwedeng dahilan kung bakit di 'ko napapansin. Abala akong umiinom at makipagkwentuhan sa mga kasama o baka ako ang gumagawa nito dahil sa kalasingan. Mas gusto kong maniwala sa nauna kong hinayag. Ayun lang..

    Nga pala, solid ang tawa 'ko sa comment ni JH. HAHAHAHA! Kung sakali mang may mkikita akong ganito, malamang ganon din ang gawin ko. Haha~ Ayos!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ahahahaha mas natawa ako sa comment mo at gusto ko ring maniwala sa unang sinabi pero may bumubulong sir eh, na yung pangalawa daw hahaha

      Burahin
  11. Shet. Akala ko ipinasok ang kamay sa loob ng kanyang pekpek. Sa loob pala ng pekpek shorts. Akala ko na-fisting si Ate in public...

    TumugonBurahin
  12. Mahirap isipin talaga na may mga ganyang babae na ngayon.. Pero tayo'y wala nang magagawa sa pagbabago ng panahon. Dapat talaga dyan, pinapalakpakan. Wa ha ha ha ha!

    Sir, saan yang gusali na yan at matignan.. Ha ha ha!

    TumugonBurahin
  13. Nalala ko 'yung babae dati na bumibili sa tindahan namin. Ayaw mabastos pero kulambo na halos 'yung damit. Asyumerang nasa fashion show ng lingerie ang peg n'ya.

    PS: "Success story" ba ito? O baka burgis din si Ate? At ano pong nationality nung lalaki? >:((

    PS ulit: Happy Birthday!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Koreano yung lalaki. Mahahanay sya sa success story o papunta palang sa success story, may ipinuhunan si Ate eh.

      Salamat sa pagdaan.

      Burahin
  14. si ask lang po... pano ka naman po napunta sa ganong lugar?

    TumugonBurahin