Martes, Agosto 20, 2013

DEAR MAGNANAKAW!

Dear magnanakaw,

Alam ko di mo mababasa ito, gusto ko lang malaman ng mga nakakikilala sa akin na nanakawan ako. Bakit ba?

Noong Linggo, August 18, isinabay mo sa lakas ng ulan ang una mong pagkana. Tinangay mo ang dalawa kong sapatos pati yung Marikina made na tsinelas ng kapitbahay. Pero naka-move-on na kaagad ako kinabukasan. Kahit tinangay mo yung dalawa kong sapatos, napasalamat pa rin ako dahil iniwan mo pa yung pantakbo ko saka dalawang tsinelas. Siguro kaya hindi mo iyon kinuha dahil may kalumaan na. Tingin mo hindi mo na mapakikinabangan.

Pero naisip ko pa rin na babalik ka kaya hindi ako natutulog. Inaabangan kita. Pero sabi ni kumander matalino ka daw, hindi ka babalik dahil inaabangan ka. Kaya naman naging kampante ako. Kaso kumana ka na naman kaninang umaga. Sa kasagsagan ulit ng malakas na ulan. Binalikan mo pa yung hindi mo kinuha noong una. Ngayon, wala na akong tsinelas at iisa nalang ang aking sapatos, sira-sira pa.

Namimiss ko na yang pangtakbo kong sapatos, dapat nilabhan ko muna yan para komportable kang maisuot yan. Simula kasi nang nabili ko yan sa ukay-ukay noong 2011 sa halagang 800 pesos hindi ko pa yan nalabhan. Kahit ganyan yan, naka-ilang kilometro na rin yan pero wala pa ring sira. Nakadalawang 21k at nakadalawang Condura Skyway Marathon na 'yan. At apat na beses sa isang linggo ko 'yan itinatakbo tuwing umaga. Luma lang talaga yan tingnan.

Ngayong nasa iyo na ang mga sapatos at tsinelas ko. Sana yung mga kamalasan at mga bad vibes na naranasan ko noong ginagamit ko pa yang mga yan ay mapapasa  sa 'yo. As in yung lahat-lahat. Joke lang yung sinabi ko sa Facebook na ang sumpa ng mga sapatos ko ay nakatitisod madalas ng chicks.

Pero kung sakaling mababasa mo man ito, kung sakali lang, ito talaga ang sasabihin at nais kong iparating sa iyo:

PUTANG INA MO, ALAM KO SA IISANG LUGAR LANG TAYO NAKATIRA, MAGKITA TAYO SA TAPAT NG GATE! ONE-ON-ONE TAYO! MAGSAPAKAN TAYO! HINDOT!

Galit na galit at umuusok ang ilong,
Joey

8 komento:

  1. Walang pinipiling panahon ang magnanakaw sa inyo sir ah!
    At nag-two hits pa, ekspertong totoo!
    Tsk tsk dama sa post na ito ang inis mo.
    Dapat pala ikaw ang nanalo sa pakontes ni Iyah para mas bago ang nanenok ng tirador sa inyo.
    'Pag nagulpi mo na sir, piktyuran mo ha? Pakipost na lang sa FB.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naisip ko na rin yung gulpihan noong nasa estado pa ako ng galit. Yung pangpelikula hahaha. Normal na nga yata na initial reaction ng tao. Pero nawala rin naman kaagad yung galit ko. Tinawanan ko na lang. Siguro kung makita kong suot n'ya yon matutuwa ako dahil napakinabangan kahit may kalumaan.

      Burahin
  2. Kawawa naman siya wala siyang pambili ng 800php na sapatos.
    Donation mo na lang sa kanya..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Marami akong realizations pagkatapos ang nangyari at nang nawala na yung galit ko. Nakahihiya lang luma na yon. Sana mapakinabangan nya yon.

      Burahin
  3. Kala ko ayos lang talaga sa'yo ang mawalan ng sapatos na marami nang natakbo! Swerte ng magnanakaw. Suki na sayo! Pwede bang makitira sa tabing bahay? Haha

    One on one kayo! Tapos manalo, ibabalik ang sapatos. Pag talo, bibilan mo sya ng bago? Haha

    Ingat, sir. Mas magandang manakawan kaysa masunugan. Pero mas magandang walang mangyari na lang. Haha.

    TumugonBurahin
  4. Very well said... especially 'yung last few lines! Hyyy... May idea ka ba kung sino? Resbakan na 'yan!

    TumugonBurahin
  5. Anak ng magnanakaw! binalikan pa talaga ang di nakuhang sapatos..

    TumugonBurahin
  6. mhirap tlga may kapitbahay na mgnanakaw; lalo na kung kakilala mo lang. d mo alam kong ikaw na pala ung next na target.

    TumugonBurahin