Lunes, Hulyo 1, 2013

SONETO SA MGA MAY MALULUBHANG KARAMDAMAN

Sa umaga ang katawa’y tinatamad,
Mga unan at higaan ang katalik
Walang sarap. Walang daing. Walang palag.
Isang araw ang dibdib ko ay nanikip.

Naisipang sa pagtakbo ay sumugal,
Lumang sapatos ang nagiging kaagapay.
Hindi hangad ang hiyawan at parangal;
Bawat hakbang sa may sakit inialay.

Kalusugan sa kanila ay inagaw;
Nakatagong kasiyahan at ligaya,
Sa inindang karamdaman ay nalusaw.
Luha ang nagpapalinaw sa kanilang bawat umaga.

Sa  bawat  hakbang pakiramdam ko ay langit,
Dahil ang mga ulap, parating nariyan nang-aakit.


--------------------------------------------------------------------
Ito ang aking opisyal na lahok sa patimpalak ni Iyakhin "Nakaapat na si Iyakhin, Pumayat ka na ba?"

SHUT UP AND BURN

13 komento:

  1. " Sa bawat hakbang pakiramdam ko ay langit,
    Dahil ang mga ulap, parating nariyan nang-aakit. "

    ayos lang naman siguro ito. wala nga akong maisip na maaari pang idugtong. linyang para talaga sa pagtatapos.

    sayang.

    TumugonBurahin
  2. Di ko pa gamay sa paggawa ng Soneto. Kung ano lang ang pagkauunawa ko dito. Mayroon itong tatlong quartet at isang couplet (yan na nga yung huling dalawang taludtod). Ang tugmaan, "abab" "cdcd" "efef" at "gg".

    Pero hindi ko alam kung papano magiging epektibo ito. Bulakbol ako sa klase eh hahahaha.

    TumugonBurahin
  3. bigo akong tapusin ang sukat na lalabindalawahin at ang 4/4/4 na caesura. Tatlong taludtod nalang eh.

    TumugonBurahin
  4. ito pala ang sinasabi mong strikto ka sa sarili mo lalo sa sukat ng panulaan. maayos mo namang nailahad. ako, para sa akin, mas malayang tula mas maraming bihon ang maihahalo sa sabaw.

    napaisip lang ako. parang gusto kong hamunin rin ang sarili ko sa pagawa ng soneto.

    TumugonBurahin
  5. Based on a true story ba to ser? Maganda po. :) Bagay lalo na sa mga runners/joggers. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Opo, ito po yung layunin ko sa pagtakbo. Ito ang nagpapagising sa akin tuwing umaga. Ito yung motivation ko upang hindi tamarin.

      Burahin
  6. ang tiyaga.. hehehe.. good luck sa entry mo na 'to, adre..

    TumugonBurahin
  7. walang kupas idol! hahahha

    TumugonBurahin
  8. Late entry pala LOL sayang baka nagkachance ka manalo...

    TumugonBurahin