Alas tres na ng madaling araw
At unti-unti nang inaakit ng antok
Itong aking mga mata.
Ngunit sa Black Eyed Peas,
Tila pasibol pa lamang ang gabi
Dahil sa kauulit nang pagbigkas
Ng "I got a feeling...
That tonight's gonna be a good night".
Ang kislap naman ng mga ilaw ay nagbubunyi,
Dahan-dahang gumagapang nang paulit-ulit
Sa bawat pader ng silid na aking kinalalagyan.
Pinagmamasdan ko lamang ang mga pader,
Hindi sila gumagalaw, walang emosyon.
Ngunit sa tuwing hahagod ang liwanag
mula sa mga mahaharot na ilaw,
Sandali silang nagagalak, kumikinang.
Ngunit may bakas ng pagkabigo't pagkabitin.
Sa aking palagay, ang kanilang nadarama
Ay katulad ng nadarama nitong aking lalamunan
Sa tuwing dumadaloy ang pait at init
Ng isang tasang kape – nabubuhay panandalian.
At maghihintay kung kailan ang muling pagdaloy.
At manalig sa binibigkas ng Black Eyed Peas
Na "I got a feeling...
That tonight's gonna be a good night"
Nang paulit-ulit.
At unti-unti nang inaakit ng antok
Itong aking mga mata.
Ngunit sa Black Eyed Peas,
Tila pasibol pa lamang ang gabi
Dahil sa kauulit nang pagbigkas
Ng "I got a feeling...
That tonight's gonna be a good night".
Ang kislap naman ng mga ilaw ay nagbubunyi,
Dahan-dahang gumagapang nang paulit-ulit
Sa bawat pader ng silid na aking kinalalagyan.
Pinagmamasdan ko lamang ang mga pader,
Hindi sila gumagalaw, walang emosyon.
Ngunit sa tuwing hahagod ang liwanag
mula sa mga mahaharot na ilaw,
Sandali silang nagagalak, kumikinang.
Ngunit may bakas ng pagkabigo't pagkabitin.
Sa aking palagay, ang kanilang nadarama
Ay katulad ng nadarama nitong aking lalamunan
Sa tuwing dumadaloy ang pait at init
Ng isang tasang kape – nabubuhay panandalian.
At maghihintay kung kailan ang muling pagdaloy.
At manalig sa binibigkas ng Black Eyed Peas
Na "I got a feeling...
That tonight's gonna be a good night"
Nang paulit-ulit.
masarap mag-loop sa playlist ng isang kanta minsan.. may itatapat akong post para dito, adre, pwede pang-collab.. hehehehe
TumugonBurahinHindi naman nawala ang galing.o sa pagsulat ser joey ;)
TumugonBurahinng isang arw nkagawa rin ako ng tula na hango rin sa isang lyrics ng kanta.
TumugonBurahinIlang dekada ang hinintay namin para muli itong mabasa.
TumugonBurahinay siya muli kong nasilayan ang husay mo sa paghabi ng tula..... naginhawaan na ang aming utak na uhaw sa iyong mga gawa... lol!!! :P
TumugonBurahinnapakahusay.
TumugonBurahinmanalig ka sa black eyed peas. sasabay ako.
Asitg at Malupit!
TumugonBurahinBackreading mode ako sa tambayan mo sir!
ang galing.. haayy sana ganyan din ako nakakagawa ng tula hehe
TumugonBurahinI like your approach on the topic. Your article is as interesting as your previous writings. Keep up the good work, thanks a lot.
TumugonBurahinI am extremely impressed along with your writing abilities and also with the format in your blog. Stay up to the excellent high quality writing, it's rare to find a nice weblog like this one these days.
TumugonBurahinNice Post. I simply stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your weblog posts. After all I’ll be subscribing on your feed and I am hoping you to write again very soon!
TumugonBurahin