Mga mata ko'y nakapikit,
Pilit pinupundi ang diwang maligalig,
Habang ang tainga ko'y nakikinig
Sa bawat pagpatak ng ulan.
Iba't iba ang himig at ritmo,
May sumisigaw at nagwawala,
Mayroon namang tila bumubulong
At nahihiya.
Mayroong nagmamadali
At mayroon ding dahan-dahan.
Bilang na bilang ang bawat patak,
Subalit sa dami'y
Hindi ko na malaman kung ilan.
Nakatikom ang aking mga labi,
Tuyong-tuyo.
Bitak-bitak.
At dumampi ang iyong mga labi,
Dahan-dahan.
Bilang na bilang ko.
Limang ulit lang pero madidiin.
Tuluyang nabasa ang aking mga labi,
Ngunit init ang dumadaloy
Patungo sa aking puso,
Patungo sa aking puson,
Hanggang sa tayo'y nagniig,
Sa aking panaginip, Anne Curtis.
Anne Curtis! Kras ko din yan! Hehe
TumugonBurahinPantasya na yata itong sa akin sir :)) kahibangan hahaha
Burahinex ko siya idol. nagseselos ako. whahaha
TumugonBurahinPatawad brader hahaha pantasya lang hahaha
Burahinkung magiging totoo at pagsasama-samahin siguro lahat ng pagpapantasya kay anne curtis, adre, malamang laspag na laspag na siya ngayon.. hehehe
TumugonBurahinNakita ko si Anne Curtis sa Trinoma. Honggondoooooo
TumugonBurahingirl-crush ko siya :) grabeng pagpapantasya naman ire! sus! LOL
TumugonBurahinO, ano to?! HIATUS? Bakit ganyan kayong lahat? Wala na akong mabasang trip ko! Tangggg..... :|
TumugonBurahinHahahahaha, talaga namang si Anne Curtis/Goddess pa ang dumalaw sa panaginip mo! :D
TumugonBurahinbastos ang naiisip ko sa inspirasyon at motivation mo writing this...hehehe
TumugonBurahinEto rin malamang yung kasagsagan ng pagkakabuyangyang ng sierra madre ni Anne Curtis sa noontime show. Haha!
TumugonBurahinWhat an Awesome post. Just wanted to drop a comment and say I am new to your blog and really like what I am reading. Thanks for the share.
TumugonBurahinNice Post. I simply stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your weblog posts. After all I’ll be subscribing on your feed and I am hoping you to write again very soon!
TumugonBurahinI read few articles and I believe that your weblog is very interesting and contains lots of great information.
TumugonBurahin