Paminsan-minsan kong sinusulyapan
Ang mga dahon sa labas.
Marahan silang kumakaway
Habang ang galit na galit na araw
Ang s'yang pumipigil sa kagalakan
At kalayaan nilang umindayog
Sa marahang ihip ng hangin.
At sila ri'y napapagod.
Nalulungkot katulad ko.
Nagkakasya na lamang
sa pagsulyap sa mga aninong
walang pagkakakilanlan.
"tayo'y mga dahon" 'ika nga ng bandang asin..
TumugonBurahinnagustohan ko ang tula, its too simple and meaningful.
TumugonBurahinouch! damang dama ko kuya. tagos na tagos. bakeeet?
TumugonBurahin