Miyerkules, Disyembre 7, 2011

SA 9th FLOOR (REPOST)

Paningi'y tumatagos sa salamin
Nagagalak ang nalulumbay na damdamin
Sa mga dahong tila kumakaway
At sa mga bubungan ng kabahayang makukulay

Paningi'y sumasabay sa hangin
Nagpatangay kahit saan dadalahin
Sumabit sa matataas na gusali
At pansamantalang tumigil at namalagi

Paningi'y muling lumipad
Sa mga nagsisiping na ulap napadpad
Tanaw ang nagliliyab nilang pagnanasa
Subalit sa ibaba naghihintay ang tigang na lupa

Paningi'y dahan-dahang nanlalabo
Nagharing kadilima'y nakakapanlumo
Ulan ay paunti-unting pumapatak
Tigang na lupa'y nagkaroon ng galak
Makakamtan na ang nasa at pangarap


Ito ay aking lahok sa patimpalak ni sir gillboard

8 komento:

  1. ang masasabi ko lang nakakalula sa 9th floor.. haha!

    Nice one again..

    TumugonBurahin
  2. sarap din minsAN NG ganitong klase ng tula.. ipagpatuloy!

    TumugonBurahin
  3. dito sa lugar ko pag binanggit mo ang 8th or 9th floor then narinig ng mga pinoy ang floors na yun iisipin nila ay hotel agad....and take note ang hotel sa chinese ay katumbas ng motel sa atin and vice versa.

    TumugonBurahin
  4. @Mommy Razz, opo nakakalula talaga sa 9th floor. Lalo yung mga alaalang singtaas ng 9th floor wahahaha

    JH Alms, boss masarap ang ganitong bagsakan swabe lang. Uy Congrats at goodluck sa napipintong proyekto. Suportado kita. Maraming salamat sayo.

    Rhyckz, naku boss kapag nariyan pala sa lugar kung nasaan ka kailang patago nating banggitin ang 9th floor. Tsk tsk! Sa atin katumbas pala nito ang mga katulad ng Anito at Sogo hahaha. Ingat dyan boss, mabuhay ka at ang ating kapwa Pinoy sa ibang bansa.

    TumugonBurahin
  5. nosebleed ako sa tula mo idol ..hahaha

    TumugonBurahin
  6. sorry, mahina ako sa mga tula...

    tumalon ba siya? nahulog? o something deeper? -slow lang talaga ako.

    anyway, salamat sa paglahok sa pakulo ko! :)

    TumugonBurahin
  7. nung firday, nag-inuman kami sa condo ng isang ka-wavelength. nasa 34th floor siya. putangina, parang nahihila tite ko pataas ng small intestine ko kapag dumudungaw ako sa bintana.

    anong konek? mema. memasabi lang. lol! seryoso, good luck sa pakonteshit ni pareng gill. \m/

    TumugonBurahin
  8. pwedi pa sumali? sasali me...halungkat sa baol..LOL

    TumugonBurahin