Huwebes, Nobyembre 24, 2011

BUKAS NA WALANG GLORYA

kasiping ang lamig
na taglay ng bakal
na pilit yumayapos
sa nangangatal na isipan.

at sa bawat pinid
ng kumukupas na gunita
asam ang pangarap
na glorya.

ngunit ito'y
nakakulong at nakagapos
sa alindog
ng naninilaw na hapon.

aanhin ko pa
ang tamis at pait
na taglay
ng pakikipagbuno?

kung sa bawat pagbuklat
ko ng kasunod na pahina
ay tanging hunkag
na ligaya ang sumisilay.

4 (na) komento:

  1. ang lalim! wala akong naintindihan.. hehe pero ang galing ng pagkagawa mo.

    TumugonBurahin
  2. Mam mommy razz maraming salamat sa pagpasyal dito at pag-iwan ng komento. Mabuhay po kayo.

    Naku mam magulo lang talaga yang pagkagawa ko niyan. hahaha

    TumugonBurahin
  3. tama si mommy ang lalim di ko maarok!!

    parang pinapahiwatig mo ang pagkukulong kay glorya tas naiba bigla ng tema...ewan...hahahha!

    TumugonBurahin
  4. mam iyah tama ka po, yun nga ang nais iparating ng unang bahagi. at ganun din hanggang sa buong tula. iniba ko lang ang direksyon para hindi direkta sa mga nangyayari. pero yun ang ideya.

    salamat mam.

    TumugonBurahin