nang maigapos
ang araw
sa mga bisig
ng ulan
may bahagi
ng sakahan
ang tila napabayaan
tuyo at bitak-bitak
pa rin ang lupa
asam ang araro
at nais madiligan
dalangin na sana'y
kahit sa madaling-araw
ay madapuan ng hamog
dala ng hangin
mulang Amihan
o 'di kaya'y
daluyan ng pawis
mula sa puson
ng nagngangalit
at nag-aalab
na lupa
nang maibsan
ang kasabikan
sa muling
pagpatak ng ulan
Ang lalim ng kahulugan nito.
TumugonBurahinNag-me-mens ang utak ko sayo,
TumugonBurahineh di ako na ang dalawang bes inulit ang pagbasa..
TumugonBurahinslow?? hehe
nice one.