Huwebes, Setyembre 1, 2011

SAME SHIT, DIFFERENT DAY

"Iba ang titig na may paghanga sa titig na may pagnanasa. Subalit mas lalong iba ang titig na mapanuri sa titig na nanghuhubad ng puri"


Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tila lumuluha ng dugo ang langit kapag wala akong isang taong nasasabihan n'yan sa loob ng isang linggo.

Kung ikaw ay isa sa mapanghusga at mapanghinalang nilalang, nais kong namnamin mo ang mga katagang iyan.

Kung ikaw ay mahilig pumahid ng maduming titig sa mga taong mukhang halang ang bituka, subukan mong ikuskos ang mga katagang 'yan sa iyong mga mata upang sa gayon ay luminis ang iyong paningin at pati na rin ang isipan.

Kung tuwing umaga ay bumabyahe ka papuntang Alabang at narinig na mismo ng dalawa mong tenga ang katagang nabanggit ay maaring nagkasabay na tayo minsan sa iisang dyip.


Sagad na ba sa kahirapan ang mga Pilipino, kaya dumarami na rin ang mga holdaper, manghahablot at mandurukot? O dala ba marahil ng sadsad na kahirapan na ito, kaya ginagawa na lamang libangan ng iba sa atin ang maghinala at manghusga ng kapwa? Minsan dumating na rin ako sa puntong sinisisi ko ang aking mga magulang sa naging anyo ko sa kasalukuyan. Makailang beses ko na ring sinubukang lokohin at kumbinsihin ang aking sarili na ako ay gwapo at simpatiko sa tuwing humaharap ako sa salamin. Pero ni katiting na pag-asa wala akong makita. Sumuko ako at tinggap ang aking pagkatalo. Ako'y hapung-hapo na sa pakikibagay at pag-aayos ng aking sarili. Madumi lang ako tignan. Pero wala sa akin ang problema. Sila ang may problema.

Hahayaan ko na lamang na ako'y mahusgahan. Hindi ko sisisihin ang aking anyo at postura kung bakit kayo nanghuhusga at naghihinala. Sabihin na lamang natin na ito'y isa ninyong libangan, pampalipas oras. O di kaya'y likas na at nakakabit na sa inyong pagkatao ang ganitong gawain.

Kalyado na ako. Hindi na ako nasasaktan katulad noong dati. Manhid na ako.

Ipunas mo man sa akin 'yang mga madudumi mong tingin mula ulo hanggang paa at pabalik sa ulo. Mag-arkuhan man 'yang mga kilay mo at umabot sa bunbunan, ituloy mo lang. Basta asahan mong ika'y makakarinig ng mga katagang ito galing sa akin:
"Iba ang titig na may paghanga sa titig na may pagnanasa. Subalit mas lalong iba ang titig na mapanuri sa titig na nanghuhubad ng puri"
na may kasamang mag-asawang DUTERTE FINGER.

Ito ay ang aking opisyal na lahok sa patimpalak ni Lio bilang pagdiriwang sa ikatlong taong anibersaryo sa pagkakalat ng shit sa internet.

24 (na) komento:

  1. dami nyo nang kasali! good luck din po

    TumugonBurahin
  2. parang ayokong umabot ako sa puntong mamanhid ako ser xD hahahahaha

    ikaw na ang may mga banat din
    mabalasik ika nga!

    TumugonBurahin
  3. SER joey asteeg.

    gusto ko ang bawat bitaw ng mga salita. ganitong pagdaloy ng babasahin ang nakakapag paalab ng aking diwa na magbasa.

    para sa akin, parang paranoia na din ang namamayani sa bawat tao. minsan, kala natin hinuhusgahan tayo dahil sa mga titig ng tao, subalit ang akala nating titik na'yon ay blanko laman sa mismong may ari ng mata.

    ang malisya ay dumidepende sa bagay bagay.

    TumugonBurahin
  4. sabi nga... teka hindi ko matandaan ang tamang linya pero parang ganito na kung paano mo nakikita yung sarili mo eh yun din ang makikita ng iba sa'yo.

    Ganyan naman eh, pilit nating hinahanapn ng butas o pagkakamali ang tao o isang bagay na sinasabi nating too good to be true. Palibhasa hindi natin inaakala na may ganun pala. Siguro inggit na rin.

    Tama nga, hayaan mong pukulin ka nila dahil at one point for sure eh mapapagod din sila at nagpagod sila sa wala dahil wala ka namang pakialam sa mga sinasabi nila.

    Ang haba ng comment ko!LOL

    TumugonBurahin
  5. Hindi ako magmamalinis pero may mga pagkakataong napapahusga ako ng ibang tao sa isip ko dahil may nagti-'trigger' na sitwasyon. Natural naman ata sa atin 'yun pero ang pilit kong iniiwasan eh 'yung i-voice out ang mga paghuhusgang iyon dahil hindi ko alam na baka may ma-impluwensiyahan akong ibang tao at mag-backfire sa huli. Atsaka ang paghuhusga, kapag nasambit na, ay hindi mo na maibabalik o mababawi pa.

    TumugonBurahin
  6. alam mo yung pakiramdam na kasali ka sa isang contest pero may ibang contestant kang napupusuan para manalo..?

    hahaha..

    sana manalo ka dito ..galing sir joey.

    TumugonBurahin
  7. ala.. at si sir joey na naman pala ang kalaban.. hahaha

    Gaya ng inaasahan, ang lalim nyo pa rin po magsalita. Sang-ayon ako sa inyo pong nabanggit... at gustung gusto ko ang inyong quoatable quote!

    Yun nga lang, dapat din natin isipin na ang pangyuyurak ng iba ay nagsisimula din sa pangyuyurak natin sa sarili natin... wala lang naisip ko lang :p

    Good luck po!

    TumugonBurahin
  8. Sir pong, Bago ang lahat, maraming salamat. Ipagpatuloy natin ang pagiging mahiyaing bolero hahaha.

    Sir pong minsan umaabot rin tayo sa ganun punto yun ang hndi ko naiwasan. Pero magagwa naman nating iwasan 'yon.

    TumugonBurahin
  9. Sir SG, sinabi ko na na binasa ko ulit ito at sa katunayan napaisip ako, ako rin pala ay nanghuhusga at naghinala na rin dito.

    Salamat

    TumugonBurahin
  10. Madz, salamat

    Sana nga mapagod sila. Ang tanong, kailan? Ang dami nila eh hahaha.

    Kung gayon bakit tulisan ang tingin sa akin? E ang tingin ko sa sarili ko kapag nasa harap ng salamin ay isang Pornstar. hahaha katakot baka magiging rapist ako na pornstar

    TumugonBurahin
  11. Gasoline Dude, sir maraming salamat.
    Humahanga ako sa kababaang loob mo.

    Nagustuhan ko ito sa sinabi mo "ang paghuhusga, kapag nasambit na, ay hindi mo na maibabalik o mababawi pa."

    Salamat ulit bossing

    TumugonBurahin
  12. Sir bagotilyo, kalahok tayo parehas. Sa ngayon parehas tayong panalo dahil nailabas natin yung mga sinasabing shit na bumabara sa tumbong ng ating isipan.

    TumugonBurahin
  13. AJ, Salamat boss, good luck rin sa'yo, sa ating lahat.

    Tama ka sir sa iyong sinabi. At ang respeto rin ay kailanagan magmula rin sa pagrespeto natin sa ating sarili.

    TumugonBurahin
  14. Title lang sarap ng basahin... SSDD yan ang motto ko sa twitter ako. Panalo na naman to pre... Araw arae din ako sumasakay ng jeep, bus o lrt/mrt at nakakarelate ako sa sitwasyong nabanggit mo.

    Gudluck sa patinpalak, naway ikay magalak sa mumunti kong palaklak!!! Tatagay kita ng Alak! At sabay tayong hahagakpak!

    TumugonBurahin
  15. ASTEG!!!!!!!!!.... \m/

    GOODLUCK!!!! :D

    TumugonBurahin
  16. "dont judge the book by it's cover" tengene nila =))

    TumugonBurahin
  17. salamat sa pagbasa mo nung entry ko..

    maganda rin ang pagkakasalamin mo rito sa isang paraan ng pagdagok ng kapalaran/katotohanan/ka-bullshitan sa ilang pangkaraniwang tao.. maraming jinxed na sitwasyon, ka-badtripan, frustrations, pero patuloy tayong nabubuhay.. masaya mabuhay, boring din minsan pag walang challenges..

    astig.. ipagpatuloy!

    TumugonBurahin
  18. susunod sir Joey pag naBADTRIP ka ulit. Isang pamilyang Duerte Finger naman ang ibigay mo.

    May mga matang hanggang kongkretong bagay lang ang kaya. Yung pagnanasang nasa kaluluwa ng tao hindi naman nakikita yan pero nahuhusgahan parin tayo dun sa kung pano tayo gumalaw, tumingin o yung hitsura.

    TumugonBurahin
  19. goodluck sa entry, sir joey.

    minsan, manipestasyon din na dala ng kung anung iniisip natin sa taong nakatingin. bagamat marami rin naman talaga ang nanunukat sa tingin na tipong yung kabuuan ng nakikita nila ay siya ring impresyon nila sa hindi nila nakikitang nasa sa iyo.

    basta mahalaga, kilala mo ang iyong sarili at alam mo kung sino ka.

    magandang araw po.

    TumugonBurahin
  20. hindi naman ata talaga naiiwasan ang maging mapanghusga tayo, kahit sa mnga sarili natin nagiging mapanghusga tayo,minamaliit natin ang mga sarili natin, ito lang ako, un lang ang kaya ko madalas na sinasabi natin pero kaya pala natin magmahal ng sobra na kahit sariling kaligayahan ay kinakalimutan na...

    parang nalayo ang sinabi ko... haha! basta gudluck! nga pala hindi mo kailangan kumbihinin ang sarili mo na gwapo ka at simpatiko, maniwala ka dahil yun ang totoo! :D

    TumugonBurahin
  21. First time ko dito pero wow hanep sa post :)

    TumugonBurahin
  22. mahilig akong mamuna sa gawa ng ibang tao. mapanghusga ako. marahil gusto kong matabunan ng mga katuya tuyang pananalita at panlilibak sa iba ang sariling dumi na nakakulapol sa aking pagkatao.

    wala akong pinagkaiba sa mapangutyang lipunan, dahil ako ay isang karaniwang tao at hindi isang santo.

    tama ka, malaking pagkakaiba ang tinitingnan sa tinititigan...

    goodluck sa entry mo parekoy!

    TumugonBurahin