Huwebes, Setyembre 8, 2011

ANG SUGAT SA PUSO, SA NAGING PUSO NG LAHAT

Likha ni Carol Javier

ang pagluluksa ay walang bilang kung hanggang kailan
walang sukatan kung hanggang saan o kung anong paraan
hindi lamang ito sa dahilan na ako'y nawalan
pati na rin sa karapatang tawagin akong magulang

ito'y paglalakbay sa napakalungkot na daan
malubak at matinik ang aking daraanan
ang tumigil o umiwas, kung paano ay 'di ko alam
'pagkat ang sakit nasa dibdib wala sa talampakan

isang bagay sa buhay ang sumunod na nangyari
pilitin mang doon ibuhos ang lahat ng sisi
alam ko naman na ito'y mali sa aking sarili
at ako, sa akin ang malaking pagkakamali

5 komento:

  1. galeng naman ni maam carol.

    tama ang mga tinuran sa tula. sa aking pananaw, walang mabilis na paraan para makalimutan ang pighati. wala ding pangyayari na makakabura nito. parang bangungot na pwedeng bumalik kahit kailan.

    ang pagsisi sa iba o sa sarili, normal lang. kung ayon ang ikagagaan ng loob kahit unte lang.

    TumugonBurahin
  2. Naalala ko tuloy dito yung libro ni Rita Avila yung 8 ways to comfort with Grace...

    TumugonBurahin
  3. maari nating malimutan ang sakit na ating naranasan pero ang taong nagparanas nito sa atin, hindi hindi mawawaglit sa ating isipan. kahit na gaano pa katagal, babalik at babalik din ito sa ating alaala

    magandang araw sayo sir

    TumugonBurahin
  4. Galing. Parang kanta.

    Fickle Cattle
    ficklecattle.blogspot.com

    TumugonBurahin