Miyerkules, Setyembre 21, 2011

FX

inaantok na ang buwan
sa lalim nitong gabi
ito'y nagising lamang
nang makita mata mo't labi

nangungusap mong tingin
buwan ay tila hinaharana
nang-aakit mong mga labi
dampi nito'y nais madama

subalit paano mangyayari
ang mithi at pangarap?
naglaho ka sa karimlan ng gabi
nasaan ka na, babae sa FX
na nasinagan ng liwanag
NG BUWAN?

10 komento:

  1. ayun oh babae sa FX, akala ko katabi mo hehehe! nice nice! :D

    TumugonBurahin
  2. haha mahilig ka rin palang tumanghod sa mga dumadaang sasakyan..

    malay mo makita mo ulit, isang ruta lang naman siguro yung dinadaanan niya :))

    TumugonBurahin
  3. naalala ko ang kwento kung bakit ang pangalan ng isang bata ay FX.. kasi un pala sa FX sya nabuo hehehe :)

    madalas mo ba makita sa FX un? nagmahal na kasi ang pamasahe kaya siguro eh nag MRT na lang..

    Biro lamang sir Joey

    magandang araw po

    TumugonBurahin
  4. @iyah, mam kainaman kung katabi ko lang yun baka tuod na ako at di ko sya magawan ng tula hahaha

    TumugonBurahin
  5. @madz, ay oo naman madz napahilig ko tumanghod sa mga dumadaang sasakyan lalo kapag pampasahero. Napakarami kasing istoryang matutunghayan sa mga taong nasa loob ng nasabing sasakyan eh

    TumugonBurahin
  6. @Banjo, bossing maligayang pagbabalik uli. Hahaha ang naririnig ko lang dati ay yung tungkol sa may pangalang Sarao hahaha alam na.

    Isang beses ko lang sya nakita boss eh. bigla na lang naglaho tumakbo na kasi yung fx na sinasakyan nya.

    TumugonBurahin
  7. @JH alms, Sir inisip ko na nga rin multo yun eh hahaha at kung ganun kaganda ang mga multo ayus lang sa akin na madalas multuhin hahaha

    TumugonBurahin
  8. sir joey, nakakahalina ba talaga?

    malamang sa malamang nga dahil nasa gunita pa rin ng tula eh.

    abang na lang ulit.

    TumugonBurahin
  9. @Duks, naku sir Duks sobrang nakakahalina. Yung tipong isasanla mo yung kaluluwa mo sa bombay hahaha

    Ang haba-haba ng C5 sir duks eh, hahaha di ko alam kung papaano ko sya aabanagan

    TumugonBurahin