Likha ni Carol Javierang pagluluksa ay walang bilang kung hanggang kailan
walang sukatan kung hanggang saan o kung anong paraan
hindi lamang ito sa dahilan na ako'y nawalan
pati na rin sa karapatang tawagin akong magulang
ito'y paglalakbay sa napakalungkot na daan
malubak at matinik ang aking daraanan
ang tumigil o umiwas, kung paano ay 'di ko alam
'pagkat ang sakit nasa dibdib wala sa talampakan
isang bagay sa buhay ang sumunod na nangyari
pilitin mang doon ibuhos ang lahat ng sisi
alam ko naman na ito'y mali sa aking sarili
at ako, sa akin ang malaking pagkakamali