Huwebes, Agosto 18, 2011

ANG MULING PAGLASAP NG LIGAYA

noon,
tayong dal'wa
ay sabay sumumpa
mga masayang pangarap
sa buhangin ating isinulat
sa may dalampasigan ng ating nayon
akala natin ang lahat ay sumasangayon
malalaking alon nagpapahiwating ng pagtutol
mga binurang pangarap ay hindi natin naipagtanggol

bigo man tayo sa pakikipaglaban sa naunang hamon
tayo'y muling mangangarap at taas noong babangon
sa isang puno sa nayon ating uukitin
ating mga pinapanalangin
tadhana sana'y umayon
upang malalasap
ang ligaya,
bukas

4 (na) komento:

  1. Magandang tula parekoy! Tula ng pangarap at walang atrasan o pagsuko. Ipaglaban at kayaning abutin nag minimithing pangarap.

    TumugonBurahin
  2. wow ganda naman ito! patungkol sa pag abot ng pangarap! sana'y maabot mo ang iyong mga pinapangarap! galing!

    TumugonBurahin
  3. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  4. sa nga sa kanta ni aaliyah

    if at first you don't succeed
    dust yourself off and try again
    you can dust if off and try again


    ayan napakanta na tuloy ako... :))

    napakainspiring ng tula mo kuya. sana ganito rin ang maging outlook in life ng iba tao :)

    TumugonBurahin