Miyerkules, Agosto 3, 2011

BAKIT PATULOY NILULUHAAN ANG NAKARAAN

Kung totoong inilagay ang mata sa harapan
Upang makita ang kinabukasan
Bakit ito ang nakakarinig ng tilalay ng karimlan?
Sigaw ng matayog na kahapong nakakaumay
Sa damdami'y dulot ay nakakabinging lumbay
Mga ugat ay isa-isang napipigtas at namamatay

Kung totoong inilagay ang mata sa harapan
Upang makita ang kinabukasan
Bakit ang mahabang kahapon ay pilit inaarok?
Sumiglaw na alaalang mapait at mapusok
Sa bawat sulok ng damdami'y nanunuot
Nagdudulot ng pagkatigang at naging marupok

Kung totoong inilagay ang mata sa harapan
Upang makita ang kinabukasan
Bakit sa harapa'y panay salamin
Bakas ng kahapon ay tila aking nililingon
Damdami'y sa tayutab gumugulong
Nananatiling sadlak at hindi makabangon

Kung totoong inilagay ang mata sa harapan
Upang silayin ang kinabukasan
Bakit patuloy kong niluluhaan ang nakaraan?


Ang tula na ito ay opisyal na lahok sa patimpalak ni Bb. Iyakhin

39 (na) komento:

  1. Ngayon ko lang din naisip.. bakit nga ba? Kung ang mga mata ay nakalagay sa harapan, para mamuhay sa kasalukuyan at masilayan ang kinabukasan... bakit patuloy na niluluhaan ang nakaraan?

    Baket?????

    :) Galing! hehehe.. Ayos to, Joey. Magandang entry for Iya's contest. Clap, clap! :)

    TumugonBurahin
  2. Sabi ni Paulo Coelho, ang mga luha daw are words that are not cannot be written. Parang ganyan. Pero sa iyo, sa tingin ko naisulat mo na lahat lahat lahat. Mukhang mahihilig akong magbasa ng tula. Nice one Joey.

    Mga salitang kailangan ko pang i-Google: tilalay, tayutab

    TumugonBurahin
  3. Eh di ikaw na ang pinya na maraming mata dapat hahaha.
    Sabi sa isang lesson namin sa Missions Course, Crying or tears ay tanda ng pagsuko.
    Nawa'y tuluyan ng isuko ang nakaraan sa patuloy na pag-agos ng luha!

    be blessed ser!

    TumugonBurahin
  4. Mabuti lamang na ilagay ang mata sa harapan, upang makita ang kinabukasan at hindi na balikan ang mga masasakit na nakaraan.

    inilagay ang mata sa harapan,
    upang iyong tuluyang labanan,
    lahat ng nagbabadyang mga pagsubok sa iyo kaibigan.

    TumugonBurahin
  5. regrets at acceptance, alinman sa dalawang yang ang marahil na dahilan kung bakit patuloy tayong lumilingon at lumuluha sa nakaraan.

    TumugonBurahin
  6. dakilang makata ka ser joey. kung may rebuldo ka lang na pede pagpunasan ng aking panyolito, gagawin ko ito. ako ay alipin ng sining at hanga ako sa mgagaling sa ganitong bagay.

    ser joey. ang desenyo daw ng katawan ng tao ayon sa plano ng Maykapal. katulad din ng mata. isipin mo nalang kung nasa may paanan sya. mmagpuputik kung tayo ay lumuha.

    TumugonBurahin
  7. ang galeng! ikaw na joey velunta!

    musta kay kerol? :)

    2 thumbs up!

    TumugonBurahin
  8. Kainaman.

    Sabi nong mga bata, GOOSEBUMPS.

    It's you olredi Joey Velunta.

    Ipaliwanag mo ang tilalay. Para ayos na ang pagkakaunawa ko sa iyong likha. :)

    TumugonBurahin
  9. Galeng Pre... matalinghaga at may may sense na tula. Kung ako si Iya, hirap na hirap ako sa pagpili ng magaganda.

    TumugonBurahin
  10. Bakit nga ba? Dahil kaya ang nakaraan ay di na kaya pang lingunin ng mga mata at pawang alaala na lamang na sadyang magpapaanod ng luha. O dahil, ang mga mata ang siyang lagusan ng luhang naiwan sa nakaraan upang tuluyan ng mawaglit at magsimula ng harapin ang bukas. Di kaya'y nililinis lang nito ang daraanan, nang sa ganun wala ng balakid ang landas ng kinabukasan.

    TumugonBurahin
  11. nilagay ang mata sa harapan to see straight forward not backwards...

    madaling sabihin pero malikot ang mata laging tumitingin kaliwa at kanan lalo na pagtumatawid ka...lels

    magaling! napaisip ako..paano kaya kung ang mata ay inilagay sa palad natin?! saan kaya ito makakasilip?!

    dumugo ang nose ko...galing ng tula..ginalugad ko pa ang bawat salita!

    TumugonBurahin
  12. ampanget naman siguro kung sa tuktok nilagay ang mata para makita ang langit so hindi na tayo titingala. Kung sakali ngang nasa tuktok ang mata, yuyuko tayo parang makita ang kinabukasan. Ano daw sabe? hahahaha. isa kang dakilang makata sir Joey.

    Sa pait ng buhay, madamot ang tagumpay.
    Ipikit ang mata nang hindi malumbay.
    Saka mo isiping mayron kang katabi,
    na aalalay sayo araw man o gabi.

    Tapos. . .smile (^__________^) hahaha.

    TumugonBurahin
  13. good luck sa pag sali mo..kalimutan na ang nakaraan..hehe..

    TumugonBurahin
  14. kasagwa naman kung nasa tagiliran ang mata ammf...

    ang galing galing mo na bajao at may igagaling ka pa, ipagpatuloy mo lang. congrats sa isa na namang napakagandang entry... ;)

    TumugonBurahin
  15. Simula noong KM2 naisip ko ano nga bang silbing sumali sa mga patimpalak kung ganito katatalim ang iba pang kalahok?

    Kaya siguro nilagay ang mata sa harap para kapag magbabasa'y diretso sa puso na nasa harap, at hindi sa buto sa likod, na kung tatamaan sa mga salita'y diretso sa pintig ng puso hindi sa matigas na butong walang mararamdaman ni kirot.


    ikaw na deadlocks, ikaw na.

    TumugonBurahin
  16. @Leah -mam maraming salamat. Ang katotohanan at kasagutan nito madali lang sagutin pero kapag nasa laot ka ng mga pangamba at kalungkutan hindi mo nakikita ang nasasabing kasagutan. Minsan kasi kahit masakit, masarap ang magpakalugmok eh hahaha

    TumugonBurahin
  17. @Salbe -Maraming salamat.
    Medyo may iilan na na naringgan ko tungkol sa sinabi ni Paolo Coelho, pero ang tinatanong ko madalas, sino pala si Paolo Coelho? tas kapag naitanong ko na saka ko lang naiisip na sinagot na pala dati yung tanong ko kung sino sya. Isa syang mahusay na manunulat na maraming mapupulot na aral sa kanyang mga akda. Pero di ko lang binibigyan ng pagkakataon ang sarili ko upang basahin yung mga naisulat nya kasi ikinukulong ko ang sarili ko sa salitang Filipino.

    Salamat ulit salbe, salamat at nakilala ko muli si Paolo Coelho :D

    TumugonBurahin
  18. @Pong -Sir maraming salamat.

    Salamat sa be blessed sa huling comment nagkakaroon ulit ako ng panibagong liwanag kapag nasasabihan ng mga katagang yan.

    Hahaha ayoko po maging pinya. Baka kapag may natignan ako chick ng medyo masama di ko kayang sagutin ang maari nyang itanong sakin.
    Anong tinitingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingin tingi (hahaha kapagod) mo dyan? di ba ang hirap sagutin nyan sir pong?

    TumugonBurahin
  19. MD -Sir maraming salamat.

    Sa tuwing nagiiwan ka ng komento sa mga posts ko naaliw ko dahil natuto ako at sa kabilang banda nabibighani sa mga katagang iyong isinasagot. Kahit madalas akong bumiglkas at tumipa ng nga ganitong salita ay kinikalubatan pa rin ako.

    Salamat ng madami kaibigan.

    TumugonBurahin
  20. @Madz -Marami pong salamat :D

    Siguro nga madz yung dalawang salita na yan ang dahilan. Pero hindi ko pa rin kinukumbinse ang sarili ko kaagad agad tinitimbang ko muna. Baka kasi kapusin eh hahaha. Salamat madz

    TumugonBurahin
  21. SG -Sir madaming salamat

    hahahaha ayoko magkaroon ng rebulto sir SG baka mahimlay na ako. hahaha

    hahaha minsan gusto rin ng iba na magtampisaw sa putik. Yung iba gustong gusto nilang makita ang sarili nila na lumalangoy at nagtatampisaw sa puttikan.

    hahahaha ampangit nga naman kapag nasa talampakan ang mata. Naalala ko yung nipple na nasa talampakan hahaha

    TumugonBurahin
  22. @bebejho -salamat po Mam Jo!

    Siya naman ay nasa mabuting kalagayan.
    maraming salamat ulit. Sa susunod gagalingan ko pa lalo. dahil nakakataba po ng puso ang inyong mga papuri

    TumugonBurahin
  23. @Jkul -Pards maraming salamat.

    Nakikinig ako sa mga payo mo, kaya patuloy nabubuhay ang hiram na kaligayan. Kahit hiram lang hahaha

    Kinikibalatutan ka? hahaha baka may mumu dyan.

    Tilalay - Malakas na sigaw sabi ni diksyoneyri hahaha

    Salamat ulit Pards

    TumugonBurahin
  24. @Sir Moks -Sir maraming salamat po.

    Sanay di ka magsasawa sa mga magagwa ko pang mga tula sa hinaharap.

    Sa dami ng mga magagaling tiyak nahihirapan na yun si iyah nasa kulang-kulang 50 na lahok na yata sa ngayon. Baka di na natutulog yun hahaha

    TumugonBurahin
  25. @Sir Dan -Salamat po ng marami.

    Napapailing po ako sa mga nasambit mo sir. Lumiliwanag ang madilim na bahagi. Lumilinis ang madumi daraanan. Lumalawak ang makitid na lagusan. Salamat po.

    TumugonBurahin
  26. @iyah -Mam hindi ko na pahahabain pa ang sasabihin ko.

    MARAMING SALAMAT SA PATIMPALAK. Sakto sa Buwan ng Wika. Salamat po.

    TumugonBurahin
  27. @Monik -Ang batang parang matatanda ang sinasabi. Batang kinapupulutan ng aral ng mga matatanda ang sinasabi. Maraming salamat sayo.

    TumugonBurahin
  28. @arvin -Salamat at may bakas na naiwan ang isa sa hinahangaan kong manunula. Goodluck rin sayo sir. Goodluck sating lahat na lumahok

    TumugonBurahin
  29. @era -Oo masagwa talaga yun. Naalala ko nga yung nipples na nasa talampakan kahit nipple sya hindi sya kaayaaya eh hahaha.

    Salamat Era. Pinepressure kita para gumana ng tula mo bilang lahok. Ayan sumisigaw na naman ako sayo GUMAWA KA NA NG TULA MO ERA hahaha

    Salamat Era Carpio

    TumugonBurahin
  30. @essa -Payoyo wag ka ngang ano! hahaha basta wag kang ano diyan.
    Tunay ngang babae si santanas salamat sayo ha :D Apir tayo!

    TumugonBurahin
  31. congrats! ganda ng mga tula mo dito sir.

    TumugonBurahin
  32. congratz! i love ur poem! u deserve to win it.. hanggaling.... =) Godbless!

    TumugonBurahin
  33. Congrats badjao magpapainom ka ga?

    Sumali ako di mo lang alam,gamit ang isang alyas ko, 94 nga score ko eh hehehe :p

    ayos lang na natalo ang entry ko dahil ikaw naman ang nanalo, sabi ko na nga ba't may igagaling ka pa eh, akalain mo yun tinalo mo ang idol na si haring duking, kainaman...
    kongratyulesyon ;)

    TumugonBurahin
  34. Kahit na tinalo mo yung entry ng isang blogger na kilala ko na medyo gusto ko rin ang poem, hindi naman masama ang loob ko dahil maganda ang entry mo at halatang pinag-isipan... Congrats! For sure habang sinusulat mo pa lang ito, alam mo na na ikaw ang mananalo... hehe

    TumugonBurahin
  35. Panalo!!!

    Congrats, kelan ka papainom hehhehehhehee :D

    TumugonBurahin
  36. Isang tula

    galing sa isang magaling na makata

    para mamulat ang diwa

    ng taong pinipigil ang pagluha...

    Link added-- astig you! haha

    TumugonBurahin
  37. congrats po sa iyong matalinhagang tula! :)

    TumugonBurahin
  38. ser tambay dito ang congrats ang ganda ng tula mo at tama lng tlga na dapat nsa harap ang mata..

    TumugonBurahin