Sa pangalawang pagkakataon ay lumahok muli ako sa patimpalak ng Philippine Art Awards at sa pagkakataong ito sinubukan kong gawan ng kaukulang tula ang nasabi kong lahok. Sinubukan kong gumawa ng tula na patungkol sa kinabukasan pero ang hirap. Biglang nauwi rin ito kahapon.
mga mata'y pilit ipinikit
kahapo'y sa isipan nanumbalik
mga larawan ng nagsisiping na mga alaala
ngayo'y bumabalot at gumagambala
tanging nais ay katahimikan
ungol at halinghing ng kahapon ay gustong malimutan
sinubukang lumaban at umahon
subalit pagkatao'y dahan-dahang nilalamon
yumuko
sumuko
nagtampisaw
lumangoy
nagpatangay
sa alaalang
dulot ng
kahapon
isang hamon talaga ang paglalarawan sa pag-iisip na walang katahimikan...
TumugonBurahingood luck sa entry mo sir! :)
Wow! May Philippine Art Awards pala, saan yan dini-display?
TumugonBurahinnak si Joey... gudluck sa patimpalak na yan... 2 na yan pre.
TumugonBurahinfeel na feel ko ang tulang ito kuya! napakagaling, randam na randam ko yung message. sana manalo ka kuya! ingats! and hello to ate carol! :)
TumugonBurahinSER... isa kang alagad ng sining. isang pagsaludo mula kay bulakbolero.
TumugonBurahinGod bless sa patimpalak mo..sana'y magwagi ka...
TumugonBurahinKuya good luck sa patimpalak.. as always napahanga mo na naman ako sa gawa mo. :)
TumugonBurahinWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA ganda nitoooooooooooooooooooo bakit ganon??? lupet , peram po :))
TumugonBurahincongrtz, ang pagsali mo palang eh panalo na... bkit usong uso na ang salitang halinghing ngayon?
TumugonBurahinoi gudluck chong...
TumugonBurahinSali nang sali. Pasasaan ba't ikaw na ang hihiranging ALIKABOK SA ILALIM NG DAGAT, dahil sa iyong sining. Alikabok dahil kahit sa tubig ay alikabok pa rin.
TumugonBurahinIkaw na ang apo ni Balagtas. Ikaw na.
Sumisiil sa damdamin ang nakaraan. bawat himaymay ay nais magbalik doon..doon po. Doon pa po.
next time kaw nalang sumulat, susubukan kong gumuhit muli.
TumugonBurahinnabulunan ako sa gawa mong to. apir :))